Androe's POV:
NAALIMPUNGATAN ako sa aking pagkakatulog dahil sa uhaw.
"Putik na hang-over toh! " bulong ko sa sarili ko dahil sa inuman namin ngayong gabi kasama ang mga classmates ko.
Bumaba ako patungong kusina upang kumuha ng maiinom at nang mabawasan ang sakit ng ulo ko.
"Sh*t! " mura ko nang may makita akong figure nang isang tao sa dilim.
"Sino yan?! " galit na tanong ko dito. Kahit madilim kita ko ang pag ngisi niya na nagdulot ng kilabot sa akin.
"Binabalaan kitang g*go ka! kaya kitang patayin kung di ka magpapakilala" banta ko dito sabay hagilap ng kutsilyo na pwede kong ipanglaban sa kanya kung sakaling isang magnanakaw ito.
"Hi Androe" pagbati nito sa akin. Yun lang ang nasabi niya ngunit tumutulo na ang pawis sa noo ko at nanlalamig narin ako sa takot. Nahulog ang kutsilyong hawak ko dahil sa panginginig.
Di ko mawari kung siya ay babae o lalaki dahil may roon siyang voice changer na naglalabas ng tinig ng babae at lalaki. Makapal din ang suot niyang coat at may hood.
"Kilala mo ako? Teka tol ikaw bayan? Kung isa na naman to sa mga joke mo di kana nakakatuwa" kabado kong sabi sa kanya at nagbabakasakali na isang kaibigan ko lamang ito o kaklase na nang tri-trip lang sa akin.
"Hulaan mo" sabi niya sabay tawa na tila sinaniban ng mga demonyo.
Di na ako naghintay pa nang sasabihin niya at tumakbo na ako.
"You can run but you cant hide hahaha" sabi niya sabay habol sa akin.
"SAKLOLO! " sigaw ko habang tumatakbo paakyat sa may hagdanan. Habang yung g*go patuloy parin sa paghahabol sa akin habang tumatawa.
Walang nakakarinig sa akin dahil siguro lasing na lasing sila. Kung alam ko lang sana na may mangyayaring hindi maganda edi sana natulog nalang ako.
Malapit na ako sa kwarto ko nang maramdaman kong may tumusok sa bandang paanan ko.
Ang sakit!
Pagtingin ko dumudugo na ito at ang mas nakakagulat pa hindi ito patalim kundi paint brush.
Teka akin ito ah!
Di ko na kayang tumakbo pa dahil sa paint brush sa paa ko kaya gumapang nalang ako.
"Sige gapang pa haha gapang" sabi niya habang naglalakad papalapit sa akin.
Naabutan niya ako at sinabunutan niya ako sa buhok. Pilit niya akong pinapaharap sa kanya at pina tihaya.
Hindi maari! Siya?!
Doon ko napagmasdan ang kaniyang mukha. Hindi ako nakapagsalita sa gulat at takot dahil di ko inaasahang siya ang papatay sa akin.
"Gulat ka noh" sabi niya habang tumatawa.
"Ano bang nagawa ko? Bakit? " tanong ko.
"Bakit? Una sa lahat, tanga ka! Kung hindi kalang bumaba edi sa hindi ikaw ang papatayin ko pangalawa masyado kanang magaling sa pagpinta. " sabi niya habang hinahaplos ang aking mukha.
"Alam mo bang na-iinggit ako sa iyo dahil sa husay mo sa pagpinta kaya gust-..... "
Di niya natuloy ang kaniyang sasabihin ng biglang lumabas si Paul sa aming kwarto.
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorreurHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller