Chapter 46

39 5 0
                                    

Oops!  Tignan ang nasa taas chapter 46 toh😂😂

Nagloloko kasi ang wattpad kaya nagkapalit ang Chapter 45 sa chapter 46

Hanapin mo nalang sa chapters ang chapter 45 bago mo to basahin

***********************************

Sophia’s POV:

Habang naghahanap kami nina Yanichen at sa apat na nawawala, di pa rin nawawala ang aking pangamba na baka sila ay patay na

Nagbabasakali nalang ako na sana ay buhay pa sila at sana dito na ito matapos at wala nang susunod pa

Pumunta kami sa pinakadulong kwarto dito sa ikalawang palapag nang bahay dahil baka nandoon sina Edzel at ang iba pa

Kanina lang kasama namin si Rey ngunit nang marinig niyang may nag-aaway sa baba, agad siyang tumakbo doon upang patigilin ang nag-aaway

“Tara na baka nandoon sila sa baba” yaya sa amin ni Yanichen

Akmang aalis na sana kami nang makasalubong namin si Christian na pawisan

Halata sa kaniyang mukha na kinakabahan siya dahil nag-uunahang nagsipagbaba ang kaniyang pawis sa mukha at nanlalaki rin ang kaniyang mata na tila ba nakakita siya nang multo

“Oh Christian, anong gingawa mo dyan?” tanong ko sa kaniya

“A-ahh naghahanap lang ako nang bakanteng kwarto kasi puno na ang silid-pagamutan natin” paliwanag niya sa amin

“Ganon ba, sige una na kami sa baba” paalam ko sa kaniya ngunit di paman kami nakaka-alis, nakita kong may mantsang dugo ang kaniyang mga kamay

“Christian, bakit may dugo ka sa kamay?” tanong ko

Tila nagulat siya sa aking tanong kaya dali-dali niyang itinago ang kaniyang kamay sa kaniyang likod

“A-ano…..Uhmm….namantsahan nang dugo ni Trisha kanina, dinudugo kasi siya” paliwanang niyang mabilis

“Teka, si Trisha? Bakit napano siya” tanong ni Yanichen

“Di ko alam, basta dinudugo ang maselang bahagi niya” paliwanag ni Christian

“Gosh! Baka napano na ang  bata” bulong ni Yanichen ngunit sapat lang iyon para madinig ko dahil katabi ko lang siya

“Bata? Bakit buntis ba siya?” tanong ko

Nagulat si Yanichen at napatakip nalang sa kaniyang bibig

“Sagutin mo ako Yanichen, buntis ba siya?” madiing tanong ko dito

Wala siyang nagawa kundi ang mapatango nalang nang mahina at napayuko

“Kaya pala pinaalis kaagad ako ni Angelie kanina kasi bawal daw akong gumamot sa kaniya” sabi ni christian sa amin

Napansin kong may sugat siya sa kilay kaya tinanong ko siya dito

“Christian, napano yan?” tanong ko

“Ahh ito, napa-away ako kay Wendell kanina mabuti nalang dumating si Rey para awatin kami” paliwanang niya

“Kayo pala ang nagsisigawan sa baba kanina” sabi ni Yanichen sa kaniya

Napa-peace sign nalang si Christian

“Sige, aalis na ako” paalam niya sa amin

Napatango nalang kami ni Yanichen bilang pagpaalam sa kaniya

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon