Cheri’s POV:
Matapos malaman na patay na si Yanichen, tuluyan nan gang gumuho ang aking mundo at ang kinatatakutan ko lang ay kung paano ko ito sasabihin kay Trisha gayong alam kong makakasama ito sa batang kaniyang dinadala
Alam kong maya-maya lang ay kikilos na naman ang killer kaya minabuti ko nang kausapin si George ngunit may asungot lang na laging nakabuntot sa akin
“Babe, saan ka pupunta?” tanong nito sa akin
Kakapasok lang niya galing sa labas dahil tinatawag daw siya nang kalikasan kanina
“a-ahh, iihi lang ako” pagsisinungaling ko sa kaniya
Agad namang sumilay ang nakakalokong ngiti niya sa kaniyang mukha
“Gusto mong samahan kita?” sabi niya sabay taas-baba nang kaniyang kilay
“Ito gusto mo?” tanong ko sa kaniya sabay taas nang kamao ko
Agad naman siyang napa-iling at mabilis na umalis sa aking harapan
Mabuti naman at masunurin pala tong asungot na ito
Lihim akong napangiti ngunit napalitan din ito nang lungkot sa aking labi
Di ako manhid upang di malamang may pagtingin sa akin si Christian ngunit parang kalian lang nang si Wendell pa ang minamahal ko
Kung di lang sana pinatay nang killer si Wendell, marahil ay masaya na kami nito ngayon
Agad akong pumunta sa C.R. at pumasok sa pinakadulong cubicle
“George……George” pagtawag ko sa kaniya
Nakakaramdam na ako nang panlalamig at pagtaas nang balahibo ko kaya alam kong nandito na siya
“Bakit Ate Ganda?” tanong niya sa akin
Nagulat ako gayong nasa likuran ko lang pala siya
“George! Nandyan ka pala” sabi ko sabay sapo sa aking dibdib
Tumawa naman ang batang multo sa aking sinabi
“George di na ako magpapaligoy-ligoy pa, tapos nang mamatay ang tatlong tao kaya maari mo na bang sabihin sa akin ang susunod upang mailigtas ko ito sa tiyak na kamatayan” sabi ko sa kaniya
Sandali naman siyang napapikit at di naglaon ay ngumiti na sa akin
“Ate Ganda ang susunod na mamamatay ay si Jane” sabi niya sa akin
Nanlaki ang mata ko kaya dali-dali ko nang nilisan ang loob nang C.R. upang mailigtas si Jane ngunit may sinabi si George na nagpatigil sa aking pagtakbo
“Huli na Ate Ganda, hawak na siya nang killer at wala ka nang magagawa” sabi niya sa akin at tuluyan nang naglaho sa aking paningin
Doon na ako napaluhod sa malamig na tiles nang C.R. at napa-iyak
“Ganito nalang ba talaga parati? Sa panahong alam ko na ang susunod na mamamatay doon naman wala akong magagawa?” tanong ko sa aking sarili at di ko na napigilan pang mapa-iyak
May nakita akong papel na nakadikit sa salamin dito sa loob nang C. R.
“Magaling siya sa entablado,
Mahusay sa pagbabalat-kayo,
Ngunit ang kaniyang talento,
Ay tuluyan nang maglalaho”Jane’s POV:
Matapos kong malaman na wala na si Yanichen, umakyat na ako sa itaas upang makapagpahinga
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller