gusto ko lang na magpasalamat sa lahat nang readers nang story ko ang hoping na naging masaya kayo sa kauna-unahang gawa ko
salamat at di niyo ako iniwan sa journey ko na ito dahil ito na ang aking una at huling story na gagawin kasi di ko naramdaman ang saya sa pagiging author
nakakalungkot man pero nagpapasalamat pa rin ako
especially to STEM 11-A sa suporta
***************************
Cheri's POV:
BLAG!
Napasapo ako sa aking dibdib sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan sa office ni Mrs. Albarracin
"Cheri Tolinio? Mrs. Albarracin is waiting for you" sabi nang secretary niya sa akin
Kinakabahan akong tumayo habang hawak-hawak ko ang aking resume at maliit na hand bag
Dahan-dahan kong pinihit ang pintuan at sumilip sa loob
"Come in" sabi nang isang matandang babae
Kinakabahan akong pumasok sa loob nang kaniyang opisina
Kitang-kita ko an ganda at karangyaan sa opisina ni Mrs. Albarracin
Nakita kong naka-upo ito sa kaniyang table at may binabasang mga papeles
Nakakatakot ang kaniyang itsura at ang kaniyang aura
Sa kanila nang kaniyang katandaan at katabaan, mapapayuko ka talaga sa kaniya at makakaramdam ka nang panliliit
"G-good morning M-ma'am" bati ko sa kaniya
Binaba niya ang kaniyang hawak na papeles sabay tingin sa akin nang seryoso
"What's good in the morning if I see your face in front of me" pambabara niya sa akin
Ouch!
"S-sorry Ma'am" sabi ko sabay upo sa kaniyang harapan
"Did I tell you to sit?" tanong niya
Napatayo ako bigla at napayuko sa hiya
Isa nalang masasapak ko na tong matandang to!
"Resume?' sabi niya sabay lahad nang kamay niya sa akin
Kinuha ko ang resume sa aking bag at inabot ito sa kaniya
Binasa niya ito nang tahimik
Tangin tunog lang nang orasan ang maririnig mo sa loob
"Graduated with an excellence award........magna cum laude?...........NCII passer....di halata sa mukha at pangangatawan mo ang mga ito" sabi niya sabay tingin sa akin
Last nalang masasapak ko na talaga to
Napangiti nalang ako sa kaniya nang pilit at tinanggap ko nalang ang kaniyang pang-iinsulto
"Single.........no criminal record.........Author?" tanong niya
Napatingin ako sa kaniya at napangiti
"Yes Ma'am I am an author on different genre-......"
"Give me your work" utos ni Ma'am sa akin
Nanginginig ang aking kamay na inabot sa kaniya ang aking gawa
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller