Karyll's POV:
Nandito kami ngayon sa classroom namin dahil sa urgent meeting ni Angelie sa amin.
Kitang-kitang may takot at pangamba sa bawat isa sa amin dahil lahat sila ay lumalayo sa bawat isa. Siguro natatakot sila na baka ang katabi nila ay yung mismong killer
May umiiyak at may nagmamasid lang. Mayroon ring natutulog at walang paki-alam. At ako, siyempre kumakain lang.
"Uy kumakain ka na naman" sabi sa akin ni Lhyka.
"Bat mo ako kinakausap. Di kaba natatakot na baka ako ang killer? " tanong ko sa kaniya.
"Sa ganyan ba ka cute at ka takaw, matatakot ako? And also, you are my friend. Tayo na nga lang ang nagdadamayan, tayo tayo pa ang magtatakutan" sabi niya sa akin sabay upo sa tabi ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit dahil na touch ako sa kaniyang sinabi.
"Aw nakaka-iyak naman" sabi ko.
Nakarinig ako ng pagtunog ng parang nabasag na chichirya.
"Ayan, akala ko nangyayakap din dahil na touch yun pala junkfoods ko ang kinakain" sabi ko sa kaniya. Tumawa lang siya habang ngumunguya.
Napatingin nalang ako sa may bintana dahil gusto ko nang maaliwalas na tanawin.
"Huh? " nagtaka ako ng parang nakita ko si Jestonie sa labas ng bintana pero nawala ito bigla.
"Bakit? " tanong ni Lhyka sa akin.
"Ah wala namalik-mata lang ako" sabi ko sa kaniya.
Dumating si Angelie kasama si Jan Marie at si Paul. Kapwa seryoso ang mga mukha.
Tumahimik bigla ang buong classroom dahil sa pag dating nila.
"STEM 11-A, di na natin maisa walang bahala ang mga patayang nagaganap sa ating mga classmates" panimulang sabi ni Angelie.
"Tatlo na ang namatay sa ating mga kaklase. Kapwa may mga clues na nakikita natin bago sila mamatay kaya planado talaga ang pagpatay" sabi ni Paul.
"At di lingid sa ating kaalaman na ang killer ay isa sa atin. Kaya napag desisyunan naming tatlo... " sabi ni Jan Marie
"Lahat tayo ay babalik sa simula ng lahat" sabay nilang sabi.
Lahat kami ay nagtaka at bakas sa aming mukha ang mga katanungang nais naming itanong.
"Teh anong ibig niyong sabihin" tanong ni Donie.
Naghihintay lang kami ng sagot nila. Nagkatinginan silang tatlo at nagsipag tanguan.
"Isa sa ating ang killer diba, kaya napagdesisyunan namin na bumalik tayong lahat sa bahay nila Alra sa Davao del Sur upang maiwasan ang may madamay pang iba" sabi ni Angelie.
"Kung sino man sa atin ang isusunod ng killer, ay madali nating maisasalba ang buhay kung tayo ay magsasama-sama" sabi ni Paul.
Nagsitanguan kaming lahat dahil sa kanilang ediyang naisip.
"Paano natin masisiguro na di tayo makakadamay ng sibilyan eh nasa probinsya tayo nila Alra na marami ring tao kahit malayo" tanong ni Claire.
Nagkatinginan silang tatlo tila di nila naisip ang situasyong iyon.
"Ah! " sabi ni Qiennie sabay tayo, tila may naisip siyang paraan. Napatingin kaming lahat kay Quennie
"Doon nalang tayo sa private island nila Rizalyn, walang tao doon" sabi ni Quennie
Tumingin naman kaming lahat kay Rizalyn
"Sige kung para sa siguridad ng nakararami, ok lang sa akin" sabi ni Rizalyn.
"So its settled then, bukas tayo aalis ng umaga kaya magsipag-uwian na kayo upang makapaghanda. " sabi ni Paul.
"Tandaan, dapat maging alerto kayo sa killer" paalala ni Angelie.
Nagsitayuan na kaming lahat dahil tapos na ang meeting.
"Excited na ako" sabi ni Lhyka sa akin.
"Ano bayan, mamamatay na nga tayo, excited kapang gumala" sabi ko
"Malay mo naman maraming pagkain doon" sabi niya sa akin sabay sundot ng tagiliran ko
Pagkarinig ko ng pagkain nagkaroon kaagad ng excitement sa loob ko
"Sana nga" sabi ko sabay soot ng bag ko sa likod.
BAAG!
Tunog ng malakas sa pagbukas ng pintuan ng classroom namin.
"Ahhh zombie! " tili ni Rhica ng makita kung sino ang pumasok
"Jestonie! " masayang sabi ni Jenneth ng makitang muli ang kaibigang inakala naming patay.
Ngunit bakas sa mukha ni Jestonie ang pagkabalisa at parang takot na takot siya.
May benda din sa kanang kamay niya at bakas dito ang dugo.
"Di ba patay ka na" sabi ni Jovannie sa kaniya.
Tumingin kaming lahat kay Jestonie kapwa nanghihingi ng sagot.
"Mali kayo, binuhay niya ako upang gumawa ng misyon" nawala ang tuwa namin ng mapansin naming lumuluha na si Jestonie
"Misyon? Ano? " tanong ni Ericka sa kaniya.
Gumuhit ang mapaklang ngiti sa labi ni Jestonie sabay tawa ng parang nababaliw.
May kinuha siya sa kaniyang likod sabay tutok nito sa amin.
Baril?!
Nasa kamay niya ngayon ang isang maliit na baril. Nakatutok ito sa amin at bakas sa mukha ni Jestonie ang takot at pagkapursigidong bumaril
"Patawad ngunit mahal ko pa ang buhay ko kaya may isa sa inyo ang kailangang mamatay" sabi ni Jestonie
Nanginig kami sa takot at nagsipag kumpulan sa may tabi upang di tamaan ng bala.
Nagsipag iyakan na ang ibang babae dahil sa takot samantalang ang mga kalalakihan naman ay nakaharang sa amin upang ipagtanggol kami
"Pre magagawan natin yan ng paraan" sabi ni Jack sa kaniya
"Kung may iba lang sanang paraan nagawa ko na! Ngunit wala kaya tumahimik ka! " sabi ni Jestonie
Bang!
Umalingaw-ngaw sa buong paligid ang nakakabinging putok ng baril sa apat na sulok ng classroom namin.
"HINDI! " sigaw ni Donie
Napatingin kaming lahat sa kaniyang gawi upang alamin kung ano ang nangyari
"Gosh" yan lang ang nasabi ko dahil sa aking nasaksihan
************************************
Sino kaya ang namatay?
Abangan😉
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller