Chapter 24

52 9 0
                                    

Jack's POV:

"Yan ok na dyan" sabi ni Paul at sabay naming inilibing ang bangkay ni Ericka. 

"Nakakapagod palang mag-libing" reklamo ni Jovannie

"Napapagod ka na?  Yang mukha mo nga di mo pa nalilibing eh matagal na yang mukhang patay" sabi ko sabay tawa

"Eh kung upakan kaya kita ulit" sabi sa akin ni Johann sabay kwelyo sa akin

"Joke lang pre" sabi ko sabay peace sign

"Tama na yan" suway sa amin ni Rey

Napa tss nalang si Johann

"Psh duwag ka pala kay Rey eh" bulong ko sa kaniya sabay takbo papasok

"Hay maliligo nalang ako pata fresh" sabi ko sabay pasok sa banyo

Pagkapasok ko sa banyo, naghubad na agad ako nang damit at binuksan ang shower.

"Ahh ang sarap" sabi ko nang maramdaman ko ang lamig nang tubig sa aking balat

"Ano to? " sabi ko sa sarili ko nang may makita akong papel sa lalagyan nang shampoo
Kinuha ko ito at binasa

"Di ka na sisikatan nang umaga,
Dahil ikay mamamatay na,
Swerte ka dahil napili kita,
Na ialay kay bathala"

"Kabaliwan" bulong ko sa sarili ko sabay tapon nang papel sa anidoro at pinagpatuloy nalang ang pagligo

"Pwedeng sumali? " tanong sa akin nang isang tao sa aking likuran

"Hey,  anong ginagawa mo rito!? " tanong ko sa kaniya

"Gusto ko rin sanang magpalamig" sabi niya sabay pasok

"Bawal ka rito!  Tsaka ayaw ko sa iyo" sabi ko sabay tawa

Hinawakan niya ang leeg ko at may tinusok sa akin

"Yan ang bagay sa iyo"sabi niya sabay tawa

Nakakaramdam ako nang pagkahilo at nanlalambot ang mga tuhod ko

"I-ikaw ang k-killer? " tanong ko sa kaniya bago ako nawalan nang malay

NAGISING ako sa aking pagkakatulog dahil  nakaramdam ako na may sumampal sa aking mukha.  Nakatali ako sa silyang bakal sa loob nang isang madilim na kwarto

"Ayan mabuti at gising ka na"  sabi niya sabay tawa

"Bakit mo ginagawa ito? " tanong ko sa ka niya

"Hulaan mo" sabi niya sabay taw

"Kung papatayin mo ako,  paano nalang ang mga anak natin" sabi ko sa kaniya

Kita ko ang pagtataka sa ka iyang mukha sanhi nang aking pagtawa

"Hahaha Joke! " sabi ko sabay tawa

Tumawa rin siya sabay hawak sa tiyan niya.  Napapaiyak narin ako dahil sa kakatawa

"Hay,  pakawalan mo na ako di na nakakatuwa tong prank mo" sabi ko sa kaniya

Tumigil siya sa pagtawa at ngumiti nang nakakatakot

"Di ka nagbibiro? " tanong ko sa kaniya.  Umiling lang siya bilang sagot

"Di ito prank?" Tanong ko ulit sa kaniya at umiling uli siya sa akin.  Napapa-iyak nalang ako dahil sa takot

"Ikaw ang killer? " huling tanong ko sa kaniya.  This time tumango na siya bilang sagot sa tanong ko

Napaiyak nalang ako dahil di pa ako handang mamatay

"Pagpapatawa ang iyong bala,
Sa labanan nang kwela,
Jokes mo ay tinitingala,
Ngunit ikay mawawala na" sabi niya sa akin

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon