Chapter 21

45 6 0
                                    

Lhyka's POV:

Isa ako sa mga nagulat nang makarinig kami nang pagsabog.  Nagbagsakan ang mga antigong banga at nagbasagan ang mga bintana dito sa bahay sa Isla Anima.  Nabalot nang matinding usok at alikabok ang buong bahay.

Ang mas nagpagimbal nang aking kalooban ay ang masaksihan ang mga pira-pirasong parte nang chopper sa karagatan pati narin ang mga dugo nang mga piloto na nahalo na sa tubig alat

"Te si Trisha! " sabi sa akin ni Donie.  Napatingin ako sa dalampasigan at naroon nga si Trisha ngunit wala siyang malay

"Tulungan natin" sabi ko sabay alis papunta kay Trisha

"Trisha!  Gumising ka" sabi ko kay Trisha sabay tapik sa pisngi nito

"She's still unconcious!  Dalhin na natin siya sa loob" sabi ni Ericka sa akin sabay buhat sa kanang kamay ni Trisha

Ako naman ang humawak sa kaliwang bahagi ni Trisha at sabay namin itong kinarga papasok nang bahay

"Saan natin siya dadalhin? " tanong ko kay Ericka

"May nakita akong kwarto malapit dito,  doon nalang" sabi ni Ericka sa akin sabay turo nang daan

Pagkapasok namin sa kwarto,  may nakita kaming mga maliliit na kama at mga damit. May maliit rin na banyo dito at kusina.  Base sa aking hinala,  kwarto ito nila Mang Eman,  Aling Derds at Aling Monik

"Ihiga na natin siya" sabi ko sabay lapag kay Trisha sa kama

"Kukuha lang ako nang panlinis  sa kaniya" paalam ni Ericka sa akin sabay tungo sa banyo

Nakaramdam ako nang tawag nang kalikasan kaya sumunod ako kay Ericka patungong banyo

"Oh bat ka nandito? " tanong niya sa akin

"Tawag nang kalikasan" sabi ko sabay peace sign.  Pumasok na ako sa Cr.  Pagpasok ko sa Cr may napansin akong maliit na butas sa baba ngunit di ito masyadong nahahalata dahil natatabunan na ito nang alikabok.  Di ko na ito pinansin pa at umupo na sa trono  ngunit kinakausap ko parin si Ericka

"Kawawa si Trisha noh" sabi ko kay Ericka

"Ikaw ba naman ang mawalan ng minamahal" sabi niya sa labas

"Grabe talaga yang killer na iyan.  Nanggigigil talaga ako" sabi ko sabay flush nang binagbawasan ko

"I feel you" sabi ni Ericka sabay bitbit nang mga panlinis kay Trisha

"Tara n-......... " naputol ang sasabihin ko nang nakarinig ako nang pagbukas nang pinto

"Salamat naman at ligtas tayo" sabi nanb isang tinig matanda at mukhang sila Mang Eman iyon

"Tama ka Eman,  kawawa naman ang mga namatay" sabi ni Aling Monik

"Oh?  Bat may tao sa kama ko? " sabi ni Aling Derds

"Hayaan mo na at tumabi ka nalang sa akin" sabi ni Aling Monik sa kaniya

"Patay nandiyan na sila" bulong ko kay Ericka

"Baka magalit sila at atakihin sa puso dahil matatanda na,  ang mabuti pa dito lang muna tayo hanggang umalis na sila" sabi sa akin ni Ericka

Umupo nalang ako sa sahig at pumikit






Killer's POV:

Papasok na ako sa bahay upang gawin ang susunod kong hakbang

Napangiti ako nang malapad dahil wala nang makakatakas sa akin dahil wala nang susundo sa amin dito dahil sira na ang mga chopper.  Wala ring signal dito kaya di kami makakahingi nang tulong

"Umaayon sa akin ang tadhana" sabi ko sabay tawa nang mahina

Pumunta na ako sa kwarto nang mga matatanda at kumatok

"Tao po? " sabi ko sabay bukas nang pintuan.  Nakita ko si Trisha na nakahiga sa kama at ang tatlonh matatanda ay nakatalikod sa akin.  Pasimple kong kinuha ang bala nang pampatulog sa aking likuran at ibinato ko iyon kay Trisha.  Tumusok ito sa kaniyang kamay kaya alam kong hihimbing pa ang tulog niya

Wala nang sagabal

"Oh?  Anong kailangan mo?" Sabi ni Mang Eman

"Ahh itatanong ko lang po sana kung nasaan yung sikretong bodeha dito.  Sabi kasi sa akin ni Christian meron daw po" sabi ko sabay ngiti

"Ahh ganon ba,  oh heto ang mapa ngunit may madaling daan diyan sa banyo namin" sabi ni Aling Monik sa akin

"Salamat po" sabi ko sabay talikod sa kanila ngunit may pumasok sa aking magandang ideya

"Sa inyong katandaan,
Nag-aabang na si kamatayan,
Kailangan niyo nang maghanda,
Dahil ngayon na kayo mawawala"
Sabi ko sa kanila sabay harap

"Anong sinasabi mo? " takang tanong ni Aling Derds

"Ganito lang po" sabi ko sabay labas nang maliit na pocket knife

"Nako ibaba mo iyan at baka masaktan ka" pag-aalala ni Aling Monik

"Hindi po ako masasaktan,  kayo po" sabi ko sabay tusok sa noo ni Aling Monik

"MONIK! " sigaw ni Aling Derds

"Ang inggay mo!  Ikaw naman" sabi ko sabay tusok sa ngala-ngala ni Aling Derds

"H*yop ka" sabi ni Mang Eman ngunit kita ko ang takot sa kaniyang mukha

"Hindi ako h*yop,  demonyo po ako" sabi ko sa kaniya sabay tusok sa ulo niya

"Ngayon,  wala nang sagabal" sabi ko sa sarili ko sabay tawa

Nakarinig ako nang kaluskos sa likod kaya napatingin ako dito.  Kinuha ko ang natitirang pampatulig sa likuran ko dahil may hinala na akong may tao sa may kusina

"Kung sino ka man,
Humanda ka na,
Dahil sa iyong nasaksihan,
Ikaw ay kailangang tumahan"
Sabi ko sabay lapit sa kusina

Nakarinig ako nang mahihinang paghikbi.  Napagtanto ko na hindi iisa kundi dalawa ang taong nakakita sa akin

"Boo! " sabi ko sabay litaw sa kanilang harapan

"Ahh! " sigaw nila at agad ko silang tinusukan nang pampatulog at napahiga sila sa sahig

"Sayang at tatagal pa sana ang buhay niyo kaso nakialam kayo kaya kailangan ko na kayong patayin" sabi ko sabay pasok sa kanila sa kaniya-kaniyang sako

Hinila ko ang katawan nila patungo sa bodega sa ilalim nang bahay na ito.  Di na ako nahirapan pa dahil may lagusan pala dito mismo sa loob nang banyo papasok sa bodega

"Humanda na kayo STEM 11- A" sabi ko sabay tawa

***********************************
Isla Anima means Island of Soul😉

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon