Jan Marie's POV:
"Ok STEM 11-A makinig kayo! " pagtawag pansin sa amin ni Angelie.
"Napagdesisyonan ko na sa bahay nila Alra tayo gagawa ng products na gagawin natin sa product presentation dahil sa lawak ng space sa kanilang bahay. At dahil sabado bukas, bukas tayo gagawa Kaya maghanda na kayo ng susuotin dahil mag-oover night tayo sa kanila, naintindihan ba! " pagpapalinaw niya sa amin pero walang sumagot sa kanyang tanong. Halata naman na lahat kami sang-ayon kaya lang nakakatamad sumagot. Napilitan nalang umupo ni Angelie sa kaniyang upuan dahil walang pumansin sa kanya.
Kawawang president
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa panibagong stress sa buhay estudyante.
Jenneth's POV:
"Teh tara na uwian na daw baka mahuli pa tayo sa gimik ng barkada" yaya sa akin ni Donie habang nag-aayos ako ng aking mukha dahil mag bo-boy hunting daw kami ngayon.
"Bahala ka at baka maunahan pa kita sa paghahanap ng lalaki" dagdag ni Donie at tuluyan nang umalis.
Itong baklang to talaga oh basta lalaki nagmamadali palagi
Mag isa nalang ako sa loob ng CR habang naglalagay ako ng lipstick. Nakarinig ako na tila may nagsasalita sa dulong cubicle.
"...... Malapit na ang pagwawakas ng mga buhay nila" bulong ng isang tinig na nagdulot sa akin ng takot. Tila dalawang boses ang narinig ko sa kaniyang tinig. Parang boses ng sinasapiang tao.
"Ma-may tao-o ba di-dyan? " Nauutal na tanong ko. Dahan dahan akong lumapit at binuksan ang pintuan ngunit walang tao.
"TEH?! ANO BA?! " sigaw ni Donie kaya lumabas na ako.
" oh anyare sa bat parang nakakita ka nang multo? " tanong sa akin ni Jane.
"Nako tara na nga at baka mahuli pa tayo" nagmamadaling yaya sa amin ni Donie.
Palaisipan parin sa akin kung sino ang narinig ko at ano ang sinasabi niyang malapit nang matapos?
Killer's POV:
Kamuntikan na kanina! Buti nalang nakapagtago agad ako sa likod ng puntuan.
Nakangiti akong naglalakad pabalik ng classroom upang kunin ang bag ko.
"Wow mukhang masaya ka ah" bati sa akin ni Vessel.
"Inspired lang" simpleng sagot ko sa kaniya.
"Nice" sabi niya sabay tapik sa balikat ko at umalis.
Sino kaya ang uunahin ko bukas?
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Jan Marie's POV:
Maaga palang at narito na kami sa parking lot habang naghihintay ng susundo sa aming bus.
"Girl may extra ka? May dalaw kasi ako nakalimutan kong magdala" sabi sa akin ni Rosenette. Inabutan ko siya ng napkin at nagmadali na itong umalis.
Mag isa nalang akong nakatayo sa may puno habang ang iba ay busy sa kani-kanilang ginagawa.
Nakarinig ako nang tila pagtatalo sa aking likuran kaya napalingon ako sa mga naka pile na semento sa likod ko. Doon ko nakita si Paul at Quennie na nag-aaway.
"Paul please ayaw ko nang magpanggap. Mahal ko si Androe kaya itigil na natin ito. " sabi ni Quennie habang umiiyak.
"F*ck Quennie! Naging kabit ako for almost 3 years sa girlfriend nang kaibigan ko tapos siya parin pipiliin mo?! " galit na wika ni Paul.
"Sorry pero ayoko na talag......" Di na natuloy ni Quennie ang kaniyang sasabihin dahil napansin nilang nakatingin ako.
"Jan?! " gulat nilang sabi.
"Pasensya na" sabi ko sabay aalis na sana nang hawakan ni Quennie ang kamay ko.
"Please, atin atin nalang ang narinig mo" pakiusap niya at tumango nalang ako.
"Babe andyan ka pala" tawag pansin ni Androe sa kanya kaya ang malungkot na mukha nito ay napalitan ng pekeng tuwa.
"Sorry babe umihi lang ako saglit" pagsisinungaling niya. Napatingin siya kay Paul na para bang sinasabing pasesnya na.
"Sige Jan, Tol alis na kami" paalam sa amin ni Androe sabay hawak sa beywang nang nobya at sabay na umalis. Tumingin sa akin si Quennie at ngumiti at pagkatamis-tamis.
"Hirap maging tanga" bulong ni Paul pero sapat na para marinig ko. Umalis na siya sa tabi ko at pinag sisipa ang mga bato.
Hay mga kabataan nga naman! Ke bata bata pa naging kabit na?!
"Girl salamat, oh anong ganap nung wla ako" sabi sa akin ni Rosenette na kakabalik lang galing Cr.
"Ang dami girl at sa sobrang dami di ka maniniwala sa mga rebelasyong narinig ko" sabi ko sa kanya sabay ngiti. Ayaw kong ibahagi sa kanya ang nalaman ko dahil ang tabil ng dila ng kaibigan ko. Na Stress narin ako ng sobra dahil sa narinig ko kaya ayaw ko nang mandamay pa nang ibang tao.
Magtatanong pana si Rosenette kaso may bumusinang bus sa harapan namin.
"Tara na! Nagbake si manang ng cookies, baka maubusan tayo! " yaya sa amin ni Alra.
Naglakad na kami papasok nang bus upang maka alis na.
"Gosh bitch*s im so exited" bulong ni Rhica kina Reena at Rizalyn.
"Sana may fafa doon na pwedeng jowain" bulong sa akin ni Donie habang nakahawak siya sa balikat ni Jenneth.
"Landi mo" sabi ko sa kanya at nagtawan kami.
"Tol tara na baka mahuli ka" tawag ni Androe kay Paul dahil siya ang nahuhuli sa pag akyat sa bus. Naawa ako sa kanya pero kasalanan din naman niya dahil pumatol siya sa girlfriend nang bestfriend niya.
"Boys! Dali may bagong video si Brian" tawag ni Edzel sa lahat ng lalaki.
"Oh, oh saan ka pupunta" sabi ni Jenneth kay Jestonie sabay pingot ng tenga nito.
"Aray! Boys daw eh" reklamo ni Jestonie. Tinaasan namin siya ng kilay dahil sa kaniyang katuwiran.
"So? " maangas na tanong ni Jane sa kanya at tumahimik na siya. Kung si Jane talaga ang kalaban, lahat tiklop.
"Alipin ako...... Naumiibig sayo....... Baki-....... " at ayan naman sila Yanichen, Cheri at Trisha, ang Tres Marias.
"Eeeeeenngggkk! " pagbibiro ni Jack na parang may buzzer sa Pilipinas got talent.
"Hoy STEM 11-A! mag seatbelt kayo at iwasan ang sumuka" paalala ni Angelie.
"Yes president" sabay sabay naming sagot
"Tsaka ang mga payong niyo dahil sabi ni Leonard....... " dagdag ni Angelie sabay turo kay Leonard.
"There will be a heavy rain this afternoon that can cause a huge amou..... " di na natapos ni Leonard ang sasabihin dahil tinakpan ni Claire ang kaniyang bibig.
"Yeah, yeah we alredy know that" dagdag ni Sophie.
"Oh siya tama na yan mag enjoy nalang tayo all night" sabi ni Lhyka at nag apir silang dalawa ni Karyll.
"Party! " parang batang sabik sa laro na sabi ni Sophie.
Ano kayang mangyayari sa amin sa bahay nila Alra? Excited na ako!
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HororHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller