Chapter 39

39 6 5
                                    

Karyll's POV:

Nakatulala ako ngayon dito kwarto kasama ang walang malay na sina Alra at Claire

Umalis si Christian kasi kailangan daw siyang gagawin

Sa kaniya ko nalaman na wala na pala si Quennie.  Masakit isipin na mayroon na namang nawala sa amin

Sa kaniya ko rin nalaman na may apat na susunod na mamamatay kaya busy ang lahat sa pag-iisip nang plano at pagmamasid sa paligid

Sa aking pagkakatulala,  may biglang pumasok na magandang ideya sa aking isipan

Tama!

Yun ang tanging paraan upang matapos na ito

Tatayo na sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan

"Pasok" sabi ko sabay higa

Nakita kong pumasok si Jan Marie na may dalang tray

"Kumain ka muna upang lumakas ka" sabi niya habang nakangiti ngunit malungkot ang kaniyang mga mata

Teka?

"Salamat" sabi ko habang tinatanggap ang tray na may lamang pagkain

Aalis na sana si Jan ngunit di talaga mawala sa aking isipan kung ano ang dahilan nang kaniyang kalungkutan kaya tinanong ko siya ngunit ang kaniyang sagot lamang ay...

"Ewan ko,  dapat akong magsaya kasi wala na ang karibal ko sa puso nang taong mahal ko ngunit nalulungkot rin ako sa tuwing nalulungkot siya.  Nalulungkot siya kasi wala na ang taong mahal niya"

Makahulugang sabi niya sa akin habang nakatingin sa malayo

"A-ahh O-ok? " yan lang ang nasabi ko kasi di ko gets ang kaniyang sinabi

"Sige aalis na ako" paalam niya

Nataranta ako kasi di ko naisip na pwedeng si Jan ang makatulong sa akin.  Dali-dali akong tumayo upang pigilan siya

"Teka Jan Marie,  Sandali! " pagtawag ko sa kaniya

Lumingon siya sa akin habang suot ang kaniyang nagtatakang mukha

"Bakit na naman? " tanong niya

Huminga muna ako nang malalim dahil kinakabahan ako na baka di siya pumayag sa aking plano pero wala nang atrasan to

This is it,  Pancit Canton!

"May naisip akong paraan upang matapos na ang patayang ito at ang naisip kong paraan ay.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.... Pakawalan si Jestonie" sabi ko sabay tingin nang seryoso sa kaniya

Kinakabahan ako sa kaniyang reaksyon ngunit nagtaka ako nang ngumiti lang siya sa akin

"Umamin ka nga Karyll,  may gusto kaba kay Jestonie? " tanong niya habang nakangiti

"A-ano!  Wala ano ka ba" nauutal na sabi ko sa kaniya

Inaamin ko na crush ko si Jestonie dati pero hanggang doon lang

Nagulat ako nang tumawa si Jan Marie habang nakahawak sa kaniyang tiyan

"Haha para kang natatae Karyll" sabi niya habang tumatawa

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon