Chapter 19

59 8 0
                                    

Cheri’s POV:

Nagising nalang ako dahil sa lamig nang tiles na aking nararamdaman. Nakita ko ang ilang kalalakihan na nawalan din nang malay. Sila yung mga kalalakihan na nang-aalaska sa akin kanina. Ang iba sa kanila ay nakatulog nalang na nakalabas pa ang kanilang alaga.

Kalaswaan!

Napabalikwas nalang ako nang bangon nang ma-alarma akong wala na si Wendell sa loob ng cubicle

“Sh*t! Asan na siya?” sabi ko sa sarili ko sabay bukas nang iba pang mga cubicle rooms baka nandoon lang siya ngunit wala akong nakita ni bakas nang mga paa niya wala

May napansin akong papel na naiwan sa sahig nang kaniyang cubicle

“Huwag kanang maki-alam pa,
Baka pati ikaw idamay ko na,
Buhay mo ay mahaba pa,
Kaya huwag mong sayangin basta-basta”

Yan ang nakasulat sa papel. Nailukot ko nalang ito at napaiyak nalang sabay luhod dahil sa pagkabigo ko

“Ang tanga ko” sabi ko sa sarili ko sabay suntok sa dibdib ko nang paulit-ulit

“Ate ganda!” sabi nang isang pamilyar na tinig sa aking likuran

“George! Teka bat ka nandito?” taking tanong ko sa kaniya. As usual naka puti ito nang damit at shorts. Maputla parin ang mukha nito at ang lamig nang expression nang kaniyang mukha

“Di na mahalaga yan Ate Ganda, magmadali na tayo upang ang buhay ni Wendell ay mailigtas pa” sabi niya sa akin sabay takbo palabas nang Mens CR

“Sandali!” sabi ko sabay habol sa kaniya

Ang bilis niyang tumakbo para sa isang batang kagaya niya. Nakita ko siyang tumakbo at nilampasan lang ang mga tao. Ang nakakapagtaka lang, parang hindi siya napapansin nang mga taong dinadaanan niya samantalang ako eh nakikita at nahahalata nang mga tao. Para ngang baliw ako na tumatakbo kahit na walang humahabol sa akin.

“Ate Ganda! Ayun habulin mo!” sabi niya sa akin sabay turo doon sa sasakyang kulay pula

Mabilis pa sa aso kung akoy tumakbo upang mahabol lang ang sasakyang iyon

“Stop this Car!” utos ko sa driver sabay katok sa bintana habang tumatakbo

Tinted ang bintana kaya di ko kita kung sino ang driver. Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo nang sasakyan

“HEY!” sigaw ko sabay bato nang pinakamalapit na maibabato ko

Doon ko lang napansin na Durian pala ang naibato ko sa sasakyan. Tinamaan ang gulong nito at nabiak ang Durian. Dumulas ang sasakyan at tumama ito sa poste ng kuryente

“Hala anong nagngyari!”

“Gosh may na-aksidente”

“Hoy! Bayaran mo ang Durian ko”

“Grabe naman magselos nang babae sa kabit nang kaniyang boyfriend”

Iilang mga Chismis na naririnig ko sa tabi-tabi. Di ko sila pinansin at pinuntahan ko ang sasakyan. Nakita kong bumukas ang pintuan sa unahan at may lumabas na lalaki roon

“Ikaw!” sabi ko sa kaniya sabay talon sa kaniyang likod.

“Aray!” sabi niya dahil sinasabunutan ko ang buhok niya. Sinisipaan ko rina ng mga paa niya at sinasakal ko siya gamit ang isa kong kamay

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon