ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 4: ᴛʜᴇ sᴇᴄʀᴇᴛ ʀᴇᴠᴇᴀʟᴇᴅ

1.8K 51 2
                                    

Lalisa Manoban as Audrey "Lisa" Gonzales

Siya naman si Lisa ang best friend for life ni Samantha lagi itong naka-suporta sa kaibigan nya hindi lang sa maganda matalino pa, actually kasama sya sa plano ni Samantha kumbaga sya rin ang nagbibigay ng impormasyon kay Samantha sa tuwing magkik...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Siya naman si Lisa ang best friend for life ni Samantha lagi itong naka-suporta sa kaibigan nya hindi lang sa maganda matalino pa, actually kasama sya sa plano ni Samantha kumbaga sya rin ang nagbibigay ng impormasyon kay Samantha sa tuwing magkikita sila at kung anong ganap, maasahan na kaibigan sa lahat ng bagay lalo na sa Computer sa paghahack ng kahit ano ganun sya kagaling kapag kaharap nya na ang Computer.

May pagka-suplada at pagkastrict din sya kaya sanay na rin si Samantha sa ugali nito mabait naman sya yun nga lang mas malakas mangtrip kaya lahat ng lalaki na lumalapit sa kanya minsan ayaw na syang pakisamahan ganun kasi Lisa sa lalaki dahil ayaw nyang masaktan katulad ng mga nakikita nya kaya ganun sya kahigpit sa sarili nya pati kay Samantha pagdating sa love life nito hindi lang best friend for life si Lisa kay Samantha kundi pati sa love life nito ayaw na nya kasing nakikitang nasasaktan pa ulit ang kaibigan nyang si Samantha.

Faith P.O.V

Papunta na ko sa bahay nila Samantha ngayon tutal magkaibigan na kami gusto ko pa na mas lalo syang makilala para alam ko kung ano ang mga gusto at ayaw nya. May nakapagsabi naman sakin kung saan mismo nakatira sila Samantha kaya doon ang punta ko ngayon.

Feeling ko naman magkakasundo rin kami sa ibang mga bagay at sana naman hindi pa sya tulog first time ko kayang matulog sa ibang bahay may mga friends ako pero hindi ako nakakatulog sa kanila dahil sa sobrang higpit ng Kuya ko daig pa nga sila Mommy at Daddy e. Kaya lang naman din ako nagkakaganito dahil kay Daddy palagi na syang wala at hindi na umuwi sa amin dahil sa work nya siguro sa isang taon dalawang beses lang sya kung umuwi kaya si Kuya Ethan unti-unti rin lumayo ang loob nya. Pero siguro ako 50/50 gusto ko sya ulit makasama pero sa tuwing umuwi sya trabaho pa din ang inaasikaso nya kahit na magkakasama pa kaming apat.

After 1 hour nakarating na rin ako sa bahay nila Samantha hindi ko alam na village pala ang pupuntahan ko ang weird lang kasi makikita mo sa pananamit at ayos nya mukhang syang mahirap pero hindi ko rin masabi malay ko ba na mayaman sila wala pa kasi syang masyadong nakukwento sakin about sa buhay nya dahil sa tuwing magtatanong ako minsan sa kanya lagi nyang tinatanggihan o minsan hindi na nya lang sinasagot.

And finally andito na ako sa harap ng bahay nila hindi ko alam kung ito talaga ang saktong address ng bahay nila pero sabi sakin dito mismo nakakashock lang kasi ang laki ng bahay at hindi mo aakalain na dito sya nakatira.

Habang papunta ako ng gate nila para magdoorbell biglang tumawag si Kuya sakin hindi ko alam tuloy kung sasagutin ko pero bahala na at dumiretso nalang ako sa gate para magdoorbell.

Dingdong...Dingdong.. Dingdong..

Pagka-doorbell ko isang katulong ang lumabas sa pintuan.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon