Mysterious Person P. O. V
Miss ko na kayong lahat Mommy! Daddy! Kuya Kyle! Samantha! Konting tiis nalang makakasama ko na kayo.
And I'm here again kinakausap ang family picture na hawak ko na parang tanga! At ilang years na ako nandito sa America at kasalukuyan inaayos parin problema na dapat kong ayusin at ilang years na din akong walang balita sa kanila, sila kaya iniisip pa rin ba ako o nakalimutan na kaya ako after ko mawala ng parang bula.
5 years ago nalaman ko na naghiwalay na nga sila Mommy at Daddy at sobra akong nadepress dahil kasunod nun may problema pa akong kinakaharap wala akong malapitan ng mga oras na yon naisip ko gusto ko ng magpakamatay para mawala ang lahat pero 2 years ago nakatanggap ako ng message at galing yon kay Samantha natuwa ako sa mga nabasa ko nung araw na yon.
Dahil ang akala ko hindi nya na ako maaalala kaya nagpakatatag ako nun dahil alam kong maaalala nya ako sa takdang panahon na ready na sya pero kinailangan kong gawin yon dahil ayoko silang mapahamak ng dahil sa akin kaya hindi ko sinagot yung message nya at hindi ako nagparamdam sa kanila mahirap pero kinaya ko dahil ilang buwan nalang hinihintay ko makakabalik na rin ako at yung binuo kong grupo hindi yon mawawala dahil kung hindi dahil sa kanila hindi ko magagawa lahat kung nasaan ako ngayon at unti-unti ng naayos ang lahat.
Flashback (14 years ago)
"Oh~ Ate ikaw muna bahala kay bunso ha! Kailangan ng magtrabaho ni Mommy at Daddy si Kuya Kyle mo naman mamaya pa makakauwi kaya ikaw muna bahala kay Samantha, okay?" pangiting sabi sakin ni Mommy.
"Opo naman po Mommy!" sagot ko.
"Mommy pwede po ba kami pumunta ni Ate sa playground mamaya promise po hindi ako makulit susunod po ako kay Ate." pagpapacute ni Samantha kay Mommy.
"Oo naman baby! Basta lagi ka lang makikinig kay Ate mo, okay?" sagot ni Mommy.
"Promise po!" pangiting sagot ni Samantha sabay yakap niya kay Mommy.
"Okay! Aalis na si Mommy at Daddy magpapakabait kayo ha! Oh~ Kiss na kay Mommy at Daddy nasaan?" sabi nito samin masaya namin ginagawa lagi yon ni Samantha.
Oo simple lang ang buhay namin pero sobrang saya at makulay kapag magkakasama kami.
"Ate!" sigaw ni Samantha at tumatakbo sya papunta sakin.
"Oh! Sammie potpot wag kang tumakbo baka madapa ka." sagot ko.
"Aray!" pagiinda ng sakit ni Samantha dahil nadapa nga ito.
"Ayan! Diba sabi ni Ate wag kang tumakbo yan tuloy nadapa ka! Sandali titignan ni Ate yang sugat mo." pag-alala kong sabi sa kanya habang tinatayo ko sya.
"Don't worry Ate hindi naman masyadong masakit eh." pangiting sabi nito sakin.
"Aba! Strong na nang Sammie potpot namin." pagbibiro ko habang tinitignan ko yung sugat nya hindi naman masyadong grabe dahil gasgas lang sya pero may konting dugo.
"Oo naman Ate!" masiglang sagot nya.
"Bakit mo ba kasi ako tinatawag may kailangan ka ba kay ate?" tanong ko.
"Opo! Ate punta na tayo sa playground gusto ko magbike don. Sige na please.!" habang nakapout sya at nagpapacute.
"O sige na nga! Ikaw talaga alam na alam mo kung ano kahinaan ng ate." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
FanficOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...