Samantha P. O. V
"Grabe nakakaistress yung mga pinapagawa sa atin ng mga proffesor." Sabi ni Faith habang napahiga nalang sya sa damuhan.
"Oo nga! Naiistress nako! I give up na talaga!" Sabi naman ni Cloe.
"Hay nako! Kesa dumadaldal kayo dyan tapusin na natin 'to." Sagot ko naman sa dalawa.
"Sam pwede bang mamaya nalang pahinga muna tayo kahit 10 minutes lang, please!" Pagmamakaawa naman ni Lisa.
"Osige 10 minutes lang ha! Tapos gawin na natin 'to, okay!?" Sagot ko sa kanilang lahat.
"Promise!" Sagot nila Cloe, Faith at Lisa.
Kami naman ni Kristel tinuloy na muna namin yung ginagawa nila. After 10 minutes bumalik na yung tatlo sa ginagawa nila.
"Ayan! Tapos na rin!" Masayang sagot naman ni Faith.
"Sabi ko sa inyo kung hindi kayo siguro nagpahinga kanina siguro kanina pa kayo tapos tignan nyo oh ginabi na tayo dito." Sagot ko naman sa kanila.
"Sorry naman! Pagod na talaga kami kanina." Sabi naman ni Lisa habang nakapout ito.
Nag-aya na akong umuwi para naman lahat kami makapagpahinga na rin.
"Hay salamat! Nakauwi na rin sa bahay! Grabe ang sakit ng ulo ko." Sabi ko sarili ko hindi na ako kumain dahil bago kami umuwi kumain na rin kami kaya diretso na ako sa kwarto at humiga sa kama. Maya-maya pa bigla nalang navibrate yung phone ko.
Buzzzzz....
Buzzzzz....
Buzzzzz....
"Ha? Sino kaya ito!?" Pagtataka ko at binuksan ko na nga yung message. Nagulat ako sa minessage sakin kinabahan ako agad.
Sinagot ko naman kung sino yung taong nagbabanta sa buhay ko pati na rin sa buhay ng mga kaibigan ko. Pero ilang minuto na ako nag-aantay ng sagot nya wala pang sumasagot bigla naman akong kinabahan kasi baka mamaya nasa labas lang yung taong yon. Maya-maya pa nakatanggap ako ng isa pang message mula sa kanya mabilis na tinignan ko yun pero hindi message kundi isang litrato na may dugo. Mas natakot ako ng sunod-sunod nyang pinasa ang mga picture na may patay na tao at mga dugo. Sa pagiiscroll ko ng message nya sakin meron pa syang message.
BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
FanfictionOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...