ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 24: ʜᴇ ᴘʀᴏᴘᴏsᴇ ᴛᴏ ᴍᴇ

856 18 3
                                    

Faith P. O. V

Inabot na nga kami ng gabi sa pagswi-swimming dahil na rin sa pag-eenjoy kahit na malamig na ang tubig sige pa rin kami. Napansin ko naman na yung mga kaibigan ni Kuya nilalapitan ang mga girls natatawa nalang ako dahil di pa rin sila nagbabago kahit kailan pero mukhang "waepek" sa mga girls ang pormang ginagawa ng boys kabisado na kasi nila.

"Babe! Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka sumasama sa kanila?" sabi ni Edward sakin nakatambay kasi ako sa isang kubo at nagpapahinga napagod kasi ako kakalangoy.

"Wala! Gusto ko lang magpahinga ikaw bakit hindi ka pumunta sa kanila mukhang nag-eenjoy sila don oh!" sagot ko sa kanya.

"Ayoko! Boring, gusto ko sa mahal ko." pangiti nitong sagot sakin kinilig naman ako sa sinabi nya.

"Ikaw talaga! Wag kang ganyan nandyan lang si Kuya Ethan." sagot ko.

"Oh ano naman! May sarili ka namang pag-iisip tsaka alam ko ang limit ko kaya nirerespeto kita." sagot nya sakin.

"Ah~ ang sweet naman ng boyfriend ko halika ka nga dito ka sa tabi ko." pagtatawag ko sa kanya at umupo naman sya agad sa tabi ko sabay pasimpleng paakbay napangiti naman ako sa ginawa nya.

Napatingin naman ako sa pwesto ni Samantha kung saan sya nakaupo at mag-isa lang. Pero habang nagku-kwentuhan kami ni Edward hindi ko maiwasang mapatingin kay Samantha nakita ko naman na nilapitan ni Kuya Ethan si Samantha na nag-iisa at umupo sa tabi nya.

"Edward?" tawag ko sa boyfriend ko.

"Bakit?" tanong nya sakin.

"Ano sa tingin mo kay Kuya Ethan?" pag-iiba ko ng topic sa kanya.

"Ha? Bakit?" takang sagot nya napansin naman nya kung saan ako nakatingin at tinignan nya rin.

"Ah~! Sa Kuya mo? Sa tingin ko mukhang may gusto sya kay Samantha." dagdag pa nito nagulat naman ako sa sinabi ni Edward.

"Si Kuya Ethan may gusto kay Sam?" pagulat na sabi ko kay Edward.

"Oo actually hindi lang si Ethan pati na si Warren." sagot nya pa.

"Ha? Pero bakit?" taka kong sabi sa kanya.

"Siguro may nakita sila kay Samantha na maganda kaya parehas silang nagkagusto! Mabait naman kasi si Samantha tsaka magandang babae rin. Ang nakakatawa pa don hindi nila alam parehas na iisa lang ang gusto nila." pagkukwento ni Edward sakin.

"Naku! Baka naman kung kailan nila narealize na maganda si Samantha don pa lang nila nagustuhan yung tao at kahit Kuya ko si Kuya Ethan alam kong ugali nya." sagot ko.

"Di ah! Grabe ka naman sa kanila. Matagal na rin namin napapansin lahat yan simula nung first time namin makita sobra magalit si Samantha parang don narealize nila kaya hindi mo napapansin sa kanila iba na ang pagbabago at kinikilos." pagkukwento sakin ng boyfriend ko nagugulat nalang ako sa mga sinasabi nya.

"Tignan mo si Kuya Ethan mo diba dati pili sya sa mga nakakasamang babae at mainitin ang ulo lagi pero ngayon hindi na namin napapansin yon pero minsan meron pa rin, si Warren naman diba napapansin mo sa kanya masungit, cold na tao, mainitin din ang ulo katulad ng Kuya mo at hindi nakiki-ride sa lahat ng bagay pero ngayon lahat nawala yun at nabago ng dahil kay Samantha siguro nga may nakita sila na kakaiba kay Samantha na hindi natin alam." dagdag nya pa.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon