ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 27: ɴᴀᴛᴀsʜᴀ's ᴘʟᴀɴ

620 17 2
                                    

Natasha P. O. V

"Good work Sis! I'm sure hahanapin ka na nila dahil alam na nila kung nasaan ka ngayon! Which one of them ang uunahin natin?" sabi ni Ate Natalie sakin habang nakaupo ito pati na rin ako bigla nalang kasi pumasok ang alalay nya at bumulong sa kanya.

"Well madali lang naman sila makuha pero alam ko ang iniisip mo kaya wag mo silang sasaktan lalo na si Warren!" pagsusungit ko sa kanya.

"Kung hindi ko sila sasaktan walang exciting don! Tama nga si Daddy masyado ka pang mahina para sa mga ganito." sagot nya na kina-inis ko naman.

"Hindi ako mahina! Kaya nga kumagat sila sa pa-in ko diba!" pagtataas ko ng boses sa kanya sabay ngiti ng nakakaloko.

"I know that! But remember my little sister what we really aim to them. Kaya dapat gawin mo kung ano ang magpapasaya kay Daddy." sagot nya.

"I know! And you don't need to repeat it again!" inis kong sabi sabay tayo ko sa kinauupuan ko.

"At sana hindi maging hadlang ang Warren na yan sayo! Dahil kung hindi baka sya ang unahin ko!" pahabol nyang sabi sa akin habang ako nakatalikod at papaalis na sana.

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil baka humaba pa at awayin ko pa sya. Hindi ko lang sya magawang saktan dahil kapatid ko sya.

"Oh! Ano pang ginagawa nyo dyan kumilos na kayo! At parating na sila! Stupid!" pagsusungit ko sa mga tauhan ng Ate kong feeling magaling sa lahat.

Nag-antay na kami kala Warren para masimulan na rin ang plano at sana this time hindi na pumalpak katulad nung pagsabog dapat marami pa akong pasasabugin kung hindi lang talaga umepal yung Samantha na yun kundi namatay na sila dapat.

"Ma'am Natasha nandyan na po sila!" sigaw ng isang tauhan namin.

"Oh ano pang ginagawa nyo maghanda na kayo!" pasungit na sabi ko sa kanilang lahat agad namang pumunta sila sa kanya-kanya pwesto. At doon na ako nagsimula.

"Tulong! Tulungan nyoko!" sigaw ko para marinig nila ako. At alam kong mabilis ko lang sila mapapaniwala.

"Tulong! Tulungan nyo ako!" sigaw ko ulit. Naiinip na kasi ako at ang tagal nilang pumasok dito.

"Please! Wag niyo na akong saktan!" dagdag ko pa para mabilis na maniwala na sila sa akin.

Narinig ko na bumukas ang ang pinto kaya mas lalo na akong umarte at nagpanggap para naman mapaniwala ko na sila. At sa sobra nilang tagal dumating masakit na rin yung kamay ko sa pagkakatali pati na rin na nakabaliktad ako.

"Warren! Help me please! It hurts nahihirapan na ako dito!" pagmamakaawa ko kay Warren pero syempre kunwari lang para mapaniwala ko sya.

"Wag kang mag-alala ililigtas ka namin dyan Natasha!" sagot ni Warren. At naramdaman ko na hindi pa rin nawawala ang love nya sakin ganun pa rin sya ka caring sakin.

"Jacob! David! Kayo na bahala kay Natasha kami na ang bahala dito!" sigaw naman ni Ethan at agad namang pumunta sa pwesto ko sila Jacob at David.

Nang makawala na ako sa pagkakatali inalalayan na nila ako palabas. Pagdating namin sa sasakyan agad nilang pinaandar ang sasakyan at agad kaming nakaalis sa lugar na yon.

"Salamat sa inyo at niligtas nyo ako!" pagkukunwari kong sabi sa kanila.

"Hindi dahil sa niligtas ka namin hindi muna pagbabayarin ang mga kasalanan na ginawa mo sa school." pagsusungit sa akin ni Warren at kahit sungitan nya pa ako hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon