ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 23: ᴡʜᴏ ᴀʀᴇ ʏᴏᴜ?

771 24 1
                                    

Samuel P. O. V

(5:00 am SUNDAY) maaga akong bumangon since wala namang pasok laging gawain ko pumunta sa coffee shop pagkatapos didiretso na sa gym. Nakapagbihis na ako para pumunta bago ako dumiretso sa gym.

"Samuel honey? Where are you going? Ang aga mo naman tumayo do you have a class today?" salubong sakin ni Mommy pagbaba ko.

"No Mommy! Wala po akong klase ngayon I'm going to the gym right now. Kayo po bakit nandito pa po kayo? Akala ko po maaga kayong aalis. Gusto nyo po na ihatid ko na po kayo?" sabi ko naman kay Mommy.

"No Son but thank you hinihintay ko lang yung driver na ilabas yung sasakyan, kaya lang naman hindi ako nagpaaga ngayon para naman makita ko ang baby ko." sabi ni Mommy habang kinukurot nya ako sa pisngi.

"Mommy naman!" inis kong sagot.

"O sya! Sige na aalis na ako pagpakabait ka dito, okay?" sabi ni Mommy.

"Okay! Bye!" pangiti kong sagot.

"I Love you!" dagdag nya pa sabay halik sa akin.

"I love you too. Ingat po kayo!" sagot ko sabay kaway sa kanya habang papalabas na ng pintuan. Pagkaalis ni Mommy umalis na rin ako.

"Yaya?" tawag ko sa katulong namin sa bahay.

"Yes sir?" sagot nya.

"Sa labas nalang ako kakain wag na po kayong magluto." sabi ko naman sa kanya.

"Okay po sir! Hindi na po ako magluluto ng lunch nyo?" tanong nya sakin.

"Hindi na rin po diretso na rin kasi ako sa mga kaibigan ko so baka don na rin kumain." sagot ko.

"Okay po sir!" sagot nya.

"Ahm~ palagay naman ito sa kotse ko tapos sabihin mo kay Manong Driver ilabas na rin yung sasakyan." sabi ko sa kanya sabay abot ng bag ka sa kanya na dala dala ko.

"Okay po sir!" sagot nya tsaka na sya lumabas.

Pumunta naman ako sa taas para kunin ko yung tumbler ko na naiwan sa kwarto ko kaya bumalik ako.

6:50 am na ako nakarating sa gym medyo natagalan pa kasi ako sa coffee shop na pinuntahan ko.

"Samuel! Bro?" tawag sakin nina Tyron at Matthew.

"Mukhang natagalan ata tayo pumunta dito?" dagdag pa ni Tyron kaibigan ko sila dito sa gym. At lagi kaming nagkakasundong tatlo kapag nakakakita kami ng babae dito sa gym.

"Eh! Natagalan kasi ako don sa coffee shop na pinuntahan ko!" sabi ko naman sa kanila.

"Ah ganun ba? Kala ko kasi di ka pupunta dito ngayon." sagot naman niya.

"Teka bakit ba?" tanong ko sa kanya.

"Nandyan kasi Ex mo kanina ka pa hinihintay gusto ka nya daw makausap." bulong sakin ni Matthew.

"Bakit daw? Dapat sinabi nyo nalang sa kanya na hindi ako pupunta." inis ko namang sabi sa kanya.

"Sorry naman! Malay ba namin sayo! Hindi mo naman kasi kami ininform, Ah! Basta kanina ka pa nya hinihintay kung ako sayo kausapin muna!" sagot ni Tyron sabay walk-out ng dalawa hindi ko na tinawag kasi baka marining ng Ex ko daw, sa dami ba naman na naging Ex ko hindi ko na alam kung sino sa kanila.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon