Kim Sae Ron (Actress) as Kristel Fernandez
Siya naman si Kristel "The Simple Girl!" nag-aral dati sa FRANCE, sikat sya sa ngayon sa pinapasukan nyang school sa DREAM HIGH ACADEMY pero sa kanilang building pinaguusapan ng lahat dahil nga sa simple nga ito kung mag-ayos o kahit hindi na mag-ayos angat pa rin ang ganda, maraming nagkakagustong lalaki kaya marami rin sa kanya ang naiinggit, mabait, matangkad na babae kala mo pang Miss Universe ang height, matalino, tahimik, active sa mga nagaganap sa kanilang school at higit sa lahat malaki ang papel nya sa buhay ni Yohan.
Kristel P. O. V
Pagkatapos ng gabing yun sinubukan ko na kalimutan yung nangyari samin ng lalaking yon paano ba naman kasi para lang ako na nagsasalita sa kanya at nagku-kwento sa kanya bakit ginusto ko ba na maging kapartner rin ba sya kung hindi lang para sa activity 'to hindi ko gagawin noh! naiinis lang ako kapag naalala ko yung nangyari kagabi hindi lang sa mayabang sya bastos pa, balita ko kasi isa sya sa mga grupo nila Warren kaya pare-parehas sila ng ugali.
Pero wala na akong pake kung ganyan lang sila lahat hindi dapat sila ginagalang o tinutularan may nalalaman pa yung mga babae kagabi kung makabati naman ng Master sa lalaking yun eh mukha namang bakla na hindi pa katiwa-tiwala.
Buti nalang hindi na mauulit yun andito na kami ngayon sa kainan para kumain ng breakfast at kasama ang mga bago kong nakilala na kaibigan na rin pare-parehas silang magaganda at mababait naman kaya hindi na ako magtataka marami rin ang gusto silang maging kaibigan at masaya ako dahil nakilala ko sila lalo na yung Samantha sobrang bait nya sakin ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya at komportable syang kasama na sa tingin ko talaga magkakasundo kami.
Pagkatapos namin kumain nagkanya-kanya muna ang lahat yung iba naman nagswimming muna at yung iba naman ayun busy sa kakaselfie at paguupload ng mga pictures sa kani-kanilang pang Instagram pero napansin kong aligaga si Samantha.
"Samantha~ okay ka lang ba? May problema ba?" tanong ko sa kanya.
"Yung necklace ko kasi hindi ko mahanap kanina pa, bumalik na ako sa room natin wala naman don tapos nagba-bakasakali ako na nandito pero wala talaga." sagot naman nya.
"Eh Sam! Baka nahulog mo sa daan o kaya yung mga dinaanan natin kanina baka nandon lang yun tara hanapin natin." pag-aaya naman Lisa at tumango lang si Samantha maya-maya pinuntahan na namin ang mga dinaanan ni Samantha pero wala pa rin kaming nakikita kwintas na nahulog nya.
"Sam? Ano bang itsura ng necklace mo?" tanong ni Faith habang naghahanap.
"Simple lang sya yung pa-moon na may nakalagay na maliit na star. " sagot naman ni Samantha at makikita mo talaga sa kanya yung lungkot hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang pag-alala sa necklace nyang nawawala kaya bigla nalang akong napatanong kay Lisa dahil katabi ko syang naghahanap.
BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
FanfictionOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...