ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 5: ʀᴇᴛʀᴇᴀᴛ

1.7K 50 4
                                    

Kinabukasan...

Faith P. O. V

Hanggang ngayon tahimik pa rin si Samantha at walang kibo halos hindi nya rin kami kinakausap ni Lisa dahil sobra sya siguro naapektuhan sa nangyari kagabi.

Andito pa rin kami sa kalagitnaan ng klase at nakikinig sa discussion ng prof. namin napansin kong tulala pa rin si Samantha sa klase.

Kaya after ng klase naisip kong ayain sila pumunta sa lugar na tahimik at relaxing para naman makausap naman namin ni Lisa si Samantha kumbaga "Girls Talk Only".

"Uy Faith! Okay lang ba si Sam? May nangyari ba kagabi? Alam ko bago ako umalis sa kanila kagabi nasa mood pa sya. Bakit hindi nya tayo kinakausap?" bulong ni Lisa sakin habang papunta kami sa tambayan namin.

"Ha? Baka marami lang syang iniisip kaya di nya tayo kinakausap." sagot ko sa kanya at napalakas ata ang boses ko kaya narinig ni Sam.

"Ano yang pinagbubulungan nyong dalawa?" tanong samin ni Sam.

"Ah~ wala Sam nagtatanong lang ako kung ano yung sunod na subject natin mamaya." sagot naman ni Lisa.

"Pero Sam maiba nga pala ako since nandito na tayo at mukha namang wala katao-tao napansin lang namin ni Lisa na kanina kapa tulala lalo na sa klase ni Mr. Santos lutang ka, may problema ba?" diretso kong pagtatanong na kay Sam.

"Oo nga Sam may problema ba? " dagdag pa ni Lisa.

"Wala lang akong gana kanina." pangiting sagot nya samin.

"Naku!! Sam don't me! Sa ilang buwan na magkakasama tayo kabisado na rin kita alam kong may bumabagabag dyan loob mo so ano nga yon?" Tanong ko ulit kay Sam.

"Kasi ano... Ano... Ano" di na natuloy ni Samantha yung sasabihin nya dahil inunahan ko na sya.

"Dahil kay Kuya?" tanong ko sa kanya at bigla naman nanlaki ang mga mata nya nung sinabi ko yon.

"Sa kuya mo?" pagtatakang tanong ni Lisa sakin.

"Alam mo?" tanong naman sakin ni Sam.

"Yes! I saw you and Kuya last night at magkasama kayo habang kausap ni kuya yung EX nya." sagot ko sa kanya bigla nalang na patingin ng maigi sakin si Samantha parang pinaparating nya na hindi nya alam ang gagawin so tama ako at ayon bigla nalang sya nagwawala.

"Samantha! Relax! " pagpapakalma ni Lisa kay Sam.

"Sam? listen to me! Okay pano ko ba 'to sasabihin." at bigla namang sumabat si Lisa sa sasabihin ko.

"Teka nga sandali! Naguguluhan ako sa inyo hindi nyo man lang sinasabi sa akin yung nangyari sayo Sam kagabi. Ano ba kasi yon? Ako yung mababaliw sa inyong dalawa para akong tanga nakikinig kung ano yung tinutukoy nyo." sabi ni Lisa saming dalawa ni Sam.

"Hinalikan ako! Hinalikan sya ni Kuya! " sabay na sagot namin ni Samantha kay Lisa na kinagulat naman nya.

"Ano! Is it true? Teka paano nangyari yon?" sunod sunod na tanong ni Lisa samin.

Ako nalang ang nagkwento don sa nangyari kagabi kay Sam buti nalang mahaba haba pa ang oras namin para makwento ko sa kanya yon. Pagkatapos kong sabihin yun medyo lumuwag na rin ang pakiramdam ni Samantha para naman mabawasan ang bigat na dinadala nya.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon