Cloe P. O. V
"Girls! Nabalitaan nyo na ba yung magaganap na Event sa school natin?" pagsisimula ko ng topic sa kanila.
"Hindi pa! Bakit ano meron?" tanong ni Kristel.
"Hi girls!" bati sa amin ng boys nasa bench kasi kami nakatambay at pare-parehas kaming walang klase dahil nga busy ang mga teacher sa magaganap na Event.
"Dali Cloe sabihin mo na kung ano ganap?" sabi ni Lisa.
"Magkakaroon daw tayo ng "Grand Ball" next week!" pangiti kong sagot.
"Talaga? Excited na ako parang last year lang yan sana mas bongga pa ngayon." sagot naman ni Faith.
"Nako! Kailangan ko na atang maghanap na pwedeng makapartner!" pagbibiro ni Charles.
"Ikaw Cloe may nahanap kana bang pwedeng maging partner mo sa Grand Ball?" tanong bigla sakin ni Jacob.
"Nakoo! Nangangamoy pag-amin ha!" pabirong sabi ni Samuel bigla nalang syang sinikuhan ni Jacob.
"Hindi na kailangan! Sabi naman daw ibibigay nilang invitation satin kahit walang partner okay lang daw pero kung kayo gusto nyo odi go! Choice nyo naman yan eh! Basta ako partner ko nalang ang mga kaibigan ko." sagot ko naman nakita ko sa itsura ni Jacob na nalungkot sya sinabi ko. Nalulungkot pa sya eh malakas naman sya sa mga babae kaya hindi nya kailangan na maging partner nya pa ako.
"Ako rin baka magsolo lang din ako! Mukha namang walang mag-aaya sakin." sabi naman ni Lisa.
"Nako Lisa! Walang problema dyan nandito naman kami." sagot naman ni Zack.
"Ayoko nga! Nagsasawa na ako sa mga mukha nyo noh! Actually magkakamukha na nga kayo!" pagbibiro ni Lisa.
"Ikaw Sam gusto mo ba ng makaka-partner sa Grand Ball?" tanong ni Faith kay Samantha.
"Hindi na! Hindi naman ako pupunta sayang lang sa oras ko mabuti nalang na mag-aaral ako sa bahay kesa umattend." sagot ni Samantha.
"Ako rin baka ganon na rin gawin ko." dagdag pa ni Kristel.
"Napaka KJ nyo talagang dalawa! At talagang nagkakasundo pa kayo sa bagay na yan." sabi naman ni Faith.
"Sumama na kasi kayong dalawa Sam! Kris!? Para naman sama-sama tayo tsaka first time lang mangyayari sa atin 'to noh! Nang magkakasama." sabi naman ni Sandy.
"Sige pag-iisipan namin ni Kristel pero kung sakaling pumayag kami hindi na rin kami kukuha ng partner kapag wala rin kayo." sagot ni Samantha.
"Okay, sabi mo yan ha!" sagot ko.
"Cloe pag-iisipan palang wag kang mag-expect." pabirong sabi ni Kristel.
"Basta doon na rin papunta yon." sagot ko.
Tatlong araw nalang at malapit ng mag "Grand Ball" excited na ako mabuti nalang talaga napapilit namin yung dalawa at pumayag na rin sila. Sa ngayon busy lahat ng estudyante at mga teacher sa paghahanda para sa Event na mangyayari nakabili narin kami ng isusuot namin sa Grand Ball napag-isipan din namin na hindi na kami kukuha ng partner kahit sino nalang ang gustong ayain kami sumayaw papayag nalang kami pwera lang si Faith dahil boyfriend nya si Edward I'm sure magkapartner silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
FanfictionOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...