Kristel P. O. V
Ilang oras pa lang nakakalipas matapos kaming kunin ni Natasha sa bahay nila Samantha natatakot ako kasi hindi ko alam ang gagawin pati na rin si Natasha hindi ko alam kung ano gagawin nya samin.
Pare-parehas kami nila Faith ng iniisip alam namin na maraming tao o pamilya namin na panigurado mag-aalala sa amin lalo na si Tita wala syang kasama sa bahay at panigurado din kapag nalaman nya na nawawala ako baka masyado nyang damdamin yon at ayokong mangyari yon dahil may sakit sya sa puso.
Naawa din ako ng makita ko kanina si Yohan na bugbog sarado at nakahandusay sa sahig hindi ko alam ang gagawin nun ng makita ko sya ganun sana okay lang sya ng iwan ko at sana may tumulong sa kanila para naman madala si Yohan sa ospital. Hindi aakalain na magagawa sa amin ni Natasha 'to siguro sa sobrang inggit nya nalang.
Nakakulong pa rin kami hanggang ngayon dito at hinihintay ni Faith si Natasha alam kong aawayin lang ni Faith si Natasha pero kahit anong gawin nyang pag-aaway kay Natasha wala lang sa kanya kaya baka masayang din ang effort na gagawin ni Faith.
Maya-maya may biglang nalang sumigaw ang isang lalaki na sinasabihan lahat ng tao dito sa loob na papunta na si Natasha kasama ang Ate nya na sobra talaga na ginagalang ang magkapatid dito.
"Hi bitches! Nage-enjoy ba kayo dyan sa loob!?" sabi ni Natasha sabay ngiti nya na nakakaloko na nang-aasar talaga sa amin.
"My loving Sissy! Sila ba yung mga kaibigan ng karibal mo!?" tanong ng isang babae na Ate nya.
"Yes sis!" tipid nyang sagot.
"Sayang magaganda pa naman sila! Kaso mamatay rin lang hind na nila mapapakinabangan ang maganda nilang mukha!" sabi ng isang babae na kapatid ni Natasha bumulong naman si Faith at sinasabi nya sa amin ang name nung babae Natalie daw ang pangalan.
"Alam nyo dapat hindi na kayo nakipagkaibigan sa babae yon! Ayan tuloy nadamay pa kayo! Kaawa-awa tuloy ang mga itsura niyo." dagdag nya pa.
"Walang hiya kayo talagang magkapatid! Sabi na nga ba hangga't hindi nyo nagagawa ang gusto nyong gawin hindi kayo titigil!" galit na galit na sabi ni Faith kala Natasha at Natalie.
"Oh! Relax girl! Kahit ano naman gawin nyo hindi naman kayo makakaalis dito tsaka isa pa ipapain ko lang naman kayo sa kaibigan nyo and besides sya naman ang kailangan ko at kayo pwedeng-pwede ko na kayong patayin hindi nga lang muna ngayon dahil wala pa sya dito." sagot nung Natalie kay Faith.
"Ayaw nyo ba dito? Maganda naman yang kulungan nyo at mukhang bagay sa inyo kaya wag na kayong umarte pwede ba!" dagdag nya pa.
"Eh! Kung wala kayong kailangan sa amin bakit gustong-gusto nyo makuha si Samantha ha!?" tanong ni Cloe.
"Magandang tanong yan! Bakit nga ba!? Gusto nyo bang malaman kung ano talaga ang pakay namin sa kanya?" tanong nya sa amin lahat at ngumiti sya ng nakakaloko.
"Simple lang naman eh! Ang makuha ang kumpanya at eskwelahan na dapat sa amin at hindi sa kanila." sagot nung Natalie sa amin. Nung una hindi namin sya maintindihan ang sinasabi nya pero unti-unti nalalaman namin kung bakit.
"Alam nyo kawawa kayo hindi nyo pa talaga lubasan kilala ang kaibigan nyo!" sagot naman ni Natasha.
"Anong ibig mong sabihin? Eh! Ang alam naman ng lahat inggit ka kung ano meron si Samantha." sagot ko kay Natasha na kinainis naman nya.
BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
FanfictionOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...