Faith P. O. V
"Mga inutil! Mga babae lang yan at mahihina hindi nyo pa nagawan ng maayos ang trabaho nyo ha!" galit na galit sabi ni Natasha sa mga tauhan nila.
"Miss Natasha! Hindi na po namin mahanap yung isa nilang kasama nakatakas na po sya!" sabi ng babaeng inutusan nila sa paghahanap sa labas.
Hinihiling namin nila Lisa at Cloe na sana hindi nila matagpuan si Kristel para makahingi sya ng tulong masabi kala Samantha kung nasaan kami. Tama lang ang ginawa namin kahit na isa lang yung nakatakas sa aming apat alam namin na maliligtas kami dito sa tulong ni Kristel.
"Arrrghhhh!!! Mga uto-uto!" sigaw ni Natasha sabay hablot nya ng baril at itinutok sa apat na lalaki.
"Miss Natasha hindi na po mauulit gagawin na po namin ng maayos sa susunod wag nyo lang po kaming patayin. Maawa na po kayo sa amin." pagmamakaawa ng mga lalaki kay Natasha. Alam ko na hindi kayang palagpasin ni Natasha ang nangyari ngayon dahil nung nasa Dream High Academy pa sya hindi sya papayag na hindi gumanti.
"Ayokong palagpasin ang araw na ito at ayoko sa lahat ang tatanga-tanga!" sagot naman ni Natasha sabay baril nya don sa apat na parehas naming kinagulat na tatlo.
"Good job sis!" sabi naman ng Ate ni Natasha sa kanya.
"Kailangan mong magrelax wag kang mag-aalala hindi ko papatigilin ang mga tauhan ko sa paghahanap kay Kristel sa gubat. At panigurado ako babalik sya ng kusa dito hindi nya ba alam na marami wild animals sa gubat." dagdag nya pa.
"At kayo sa oras na subukan nyo ulit tumakas hindi na ako magdadalawang isip na patayin din kayo! Naiintindihan nyo! Oh! Ano pa inaantay nyo dyan ikulong na sila ng sama-sama at bukas na bukas maaga tayong mageexercise!" sabi naman ni Natasha at tsaka sya umalis.
Kinabukasan maaga kaming kinuha sa loob ng kulungan at idinala kami sa isang malaking kwarto at makikita don ang isang malaking drum punong-puno ito ng tubig.
"Ano ba bitawan nyo nga kami!" inis kong sabi sa mga lalaking hawak-hawak kami.
"Sabi ni Boss ilagay nyo na sila don sa taas at ipwesto na." sabi ng isang babae. Dinala naman kami sa taas at nakaupo sa mga upuan na nakalagay don. Dumating na rin si Natasha kasama yung Ate nya si Natalie.
"Okay na ba yan!?" tanong ni Natasha.
"Yes boss okay na po!" sagot naman ng isang lalaki.
"Good! Ano girls handa na ba kayo sa una nating exercise?" tanong naman sa amin ni Natasha.
Nagulat kami ng sabay-sabay kaming hinulog mula sa tubig at nakatali ang mga kamay at paa namin napansin ko na may inilabas ni Natalie camera. Hindi ko na alam ang gagawin dahil hindi na ako makahinga.
Makalipas ang ilang minuto inahon na kami at pare-parehas na kaming hindi makahinga sa ginawa nila sakin.
"Alam mo my lovely sister hindi naman sapat na ilubog mo lang sila sa tubig kung magpapadala ka ng video kala Samantha dapat yung masaya ang gawin natin dahil alam ko kung ano kahinaan nila pagdating dyan." sabi naman nung Natalie.
"Wag mo kong turuan alam ko ginagawa ko!" sagot naman ni Natasha sa Ate nya.
"Talaga ba? Eh bakit sa itsura mo parang hindi mo kayang gawin alam mo mas maganda na ako na ang gagawa sana'y naman ako dyan ikaw lang naman ang hindi." pang-iinis nung Natalie sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
FanfictionOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...