ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 36: ᴀɴɢ ᴘᴀɢʜᴀʜᴀʀᴀᴘ ɴɪɴᴀ sᴀᴍᴀɴᴛʜᴀ ᴀᴛ ɴᴀᴛᴀsʜᴀ

689 13 10
                                    

Samantha P. O. V

Ngayon na nakapasok na kami sa loob nag-aalala na ko sa kalagayan nila Faith hindi ko alam kung saan ako magsisimula para hanapin sila.

"Sammie!" sigaw ni Ate Sandy sakin.

"O Ate nakita mo na ba sila?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa pero sabi sakin ni Malix itinago raw sila Faith sa lobby. Pero hindi ko alam kung nasaan yung lobby " sagot ni Ate Sandy.

"Sige Ate ako dito sa way na 'to sa kabila ikaw naman para mabilis ang paghahanap natin sa kanila." sabi ko naman sa kanya.

"Osige! Mag-iingat ka!" sagot naman nya.

Naghiwalay na kami ni Ate Sandy, sya sa kaliwa ako naman sa kanan. Nagpatuloy ako sa paghahanap kung nasaan ang lobby kung saan nakakulong sila Faith. Habang naglalakad ako bigla naman may dumating na lalaki nagtago agad ako at nang malapit na sya lumabas na ako at sinaksakan ko sya ng injection.

"Samantha sa likod mo!" sigaw sakin ni Warren. Napatingin naman ako sa likod at agad na nakaiwas.

"Samantha mag-iingat ka!" sabi naman ni Kristel.

Hindi ko sinagot yung mga sinabi nila at nagpatuloy ako sa paghahanap nang bigla nalang may sumulpot sa harap ko at nagulat ako ng muntik nya na akong nasaksak nakaiwas ako pero yung naka-connect sa akin na earplugs naputol nya kaya hindi ko alam kung naririnig pa nila Kristel ako.

Pagkatapos kong patumbahin yung lalaki nagpatuloy ako sa paghahanap naiinis ako dahil sinira nitong lalaki yung earplugs ko.

Hanggang sa napadaan ako sa isang malaking kwarto feeling ko yun na yung lobby na sinasabi ni Ate Sandy papasok na sana ako ng may sumigaw na lalaki.

At parang may binubunot sya sa likod nya naisip na baka baril lang kaya uunahan ko na rin sya kaso pagbaril ko sa kanya kasabay nun ang paghagis nya ng bomba na kinagulat ko naman agad akong pumasok sa loob para iwasan yung bomba na hinagis nya pero hindi rin ako nakaiwas tumama ako sa pader at sobrang lakas ng impak kaya medyo sumakit ang likod ko hindi pa ako masyadong nakatayo dahil sa iniinda kong sakit sa likod.

Napasigaw nalang din ako sa sakit pero ng pumasok si Ate Sandy iniba ko yung eskpresyon ng mukha ko para hindi sya mag-alala sakin.

"Sammie!" sigaw ni Ate Sandy at nilapitan nya agad ito.

"Okay ka lang?" tanong nya pa.

"Oo ate okay lang ako! Wala 'to! Sila Faith nahanap nyo na ba?" sabi ko sa kanya.

"Hindi! Pero sinabi sakin ni Malix na nakita nyang pilit sinasakay sila Faith sa isang Van kaya kailangan nating pigilan sila." sagot ni Ate Sandy na kinagulat ko naman.

"Ano!" sagot ko. Pagkatayo ko agad na akong umalis sa lugar na yon para habulin sila Faith at mapigilan sila Natasha.

"Hoy! Kayo bitawan nyo mga kaibigan ko!" sigaw ko sa mga lalaking may hawak kala Faith.

"Samantha!" sabay-sabay na sabi nila Faith sakin.

Agad namang sumugod yung may hawak kay Lisa.

"Samantha! Mag-iingat ka!" sigaw ni Lisa.

"Kalalaki mong tao papatol ka sa babae! Bakla!" pang-aasar ko pa don sa lalaking malaki ang katawan.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon