Samantha P. O. V
Hindi ako makatulog at mabuti nalang kachat ko pa rin si Ate Sandy sinasamahan nya ako hangga't hindi pa ako inaantok pero mukhang hindi nya na ako masasamahan dahil nagchat sya sa akin na may gagawin pa daw sya pinapatulog nya na ako sabi ko naman sa kanya magpapaantok lang muna ako. Hindi ko nakausap si Ate Sandy ng time na yon. Naisipan ko naman na bumaba para magmuni-muni muna. Dumiretso ako sa labas at tumambay sa kubo napansin kong may tao don ng makita ko si Warren na nakahiga don lumapit na rin ako para naman kausapin sya at para na rin magpaantok baka sakaling marami ang kwento nya tapos antukin na ako.
"Ano ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa natutulog?" sabi ko kay Warren nakita ko syang nagce-cellphone lang at nagulat sya ng makita nya ako.
"Ikaw pala Samantha!" sabay tayo nya sa pagkakahiga nya.
"Nagpapaantok lang hindi kasi ako makatulog. Ikaw bakit hindi ka pa natutulog?" dagdag nya pa.
"Hindi rin kasi ako makatulog kanina pa kaya naisipan ko na pumunta muna dito hindi ko alam na nandito ka." sagot ko sa kanya.
"Ah ganun ba~" pangiti nyang sagot sakin.
"Teka ano bang ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kanya.
"Ha? Wala kausap ko lang yung hinire namin na pwede makatulong sa paghahanap kay Lisa." sagot naman ni Warren.
"Meron na bang ganap?" tanong ko ulit sa kanya.
"Sa ngayon wala pa Samantha pero wag kang mag-alala hindi kami titigil hanapin si Lisa." sagot naman nya.
"Okay lang yon! Atleast ginagawa nyo ang lahat para mahanap sya kahit na ilang araw na syang nawawala di pa rin kayo sumusuko kaya salamat talaga sa lahat ng mga naitulong nyo samin." sagot ko naman kay Warren.
"Wala yon! Atleast ngayon hindi kana masungit saming lahat." pabiro naman niyang sabi sakin, kaya medyo nailang ako ng konti.
"Salamat ha! Alam mo hindi ka naman pala talaga masungit kung kakausapin lang talaga kita ng maayos pero minsan hindi pa rin naalis sayo na magsungit, ikaw kasi nung first meet natin nakikipag-agawan ka pa sakin don sa limited na book tapos yung nangyari din sa library, grabe ang dami natin epic na pagkikita dati natatawa nalang ako kapag naalala ko ngayon." pag-iiba ko naman agad ng topic para naman hindi boring ang pag-uusap namin.
"Pinaalala mo pa sakin talaga ha! Nakalimutan ko na nga!" pabiro nyang sabi sakin natawa nalang kaming parehas.
"Alam mo kung nakilala lang talaga kita agad sa pagdi-dusguise mo baka siguro hindi kita tinatantanan na asarin! Pero bakit mo nga pala ginagawa yon?" pagseseryoso nya tanong sakin.
"Ha! Ano kasi... Ayoko kasing makilala ako kung sino talaga ako tsaka gusto ko lang hindi ako napapansin ng lahat kaso mukhang hindi nangyari yon kita naman sakin nung nakadisguise pa ako laging bully abot ko. Gusto ko rin kasi ipakita sa lahat ng mga nag-aaral sa DHA na hindi dapat lahat nasusukat sa pera, mayaman ka man o mahirap kung pursigido ka naman sa pag-aaral diba yun kasi ang gusto kong iparamdam sa kanila." pagkukwento ko na sa kanya.
"Bilib din ako sayo dahil kahit mayaman ka hindi mo yon ginagamit sa kayabangan kasi kung napapansin mo yon sa school natin laging may nagpapayabangan kung gaano sila kayaman pero ikaw hindi iba ka sa kanila actually ang sayo naman scholarship." sagot ni Warren sakin nagulat ako sa mga sinasabi nya sakin kasi first time kong marinig sa kanya yon.
BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
FanficOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...