ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 21: sᴀᴠᴇ ʟɪsᴀ

919 40 2
                                    

Lisa P. O. V

3 araw na akong nakakulong at nakatali sa isang upuan sa isang kwarto nakatali ang mga paa at kamay sinubukan kong tanggalin ang mga ito pero hindi ko magawa dahil may camera sa harap and I'm sure nakikita nila ang ginagawa ko.

Iniisip ko tuloy kung maliligtas pa ba ako nila dito, iniisip ko rin minsan na patayin nalang nila ako kesa masaktan pa ang iba kong mga kaibigan nawawalan na ako ng pag-asa na maliligtas pa ako nila minsan kapag pumupunta yung Natalie lagi nyang sinasabi na mukhang hindi ako nila hinahanap, sobrang pinapamukha nya sakin yon at may picture sya na pinapakita kung gaano kasaya sila Samantha pero hindi ako naniniwala baka nga gawa-gawa nya lang pero minsan iniisip ko parang totoo na rin.

"Oh! Mukhang malalim ang iniisip mo ha! Iniisip mo pa rin ba na ililigtas ka pa nila?" sabi nung Natalie sakin hindi ko namalayan na nasa loob na pala sya. Nginitian ko lang sya ng nakakaloko.

"Ano ba talaga ang pakay mo sakin ha? Ilang araw na ako dito at parang nabubulok na ata ang plano mo!" sigaw ko sa kanya.

"Shut up! Ikaw naman masyado mong pinapadali ang buhay mo don't worry darating din tayo dyan." sagot nya at tsaka sya umalis.

Lisa magiging okay ang lahat I'm sure na gumagawa sila Samantha ng paraan para maligtas ka. Pagkalabas nung Natalie ay sya rin ang pagpasok ng tatlong lalaki may mga hawak sila kanya-kanyang bagay maya-maya pa nagsalita yung Natalie pero wala sya don kundi maririnig mong nagsasalita sya dahil nakaspeaker ito.

"Okay boys! Simulan na ang palabas! Are you ready Lisa? Alam mo baka matuwa yung mga kaibigan mo kapag nagpadala ako ng video sa kanila para naman hindi ka nila masyadong namimiss." sabi ni Natalie natakot ako sa sinabi nya dahil yung tatlong lalaki na nakapalibot sakin may mga dalang wood, knife at tali.

Hindi na ako makapagsalita dahil nilagyan nila ako ng tape sa bibig ko. Sigaw lang ako ng sigaw at nagsasalita sa kanila pero hindi nila ako maintindihan kaya patuloy lang sila sa ginagawa sakin. Yung isang lalaki tinanggal nya yung pagkakatali ko sa upuan mas lalo na ako sumigaw ng ibitin nila ako ng patiwarik.

Hanggang sa yung dalawang lalaki hinampas nila ako dahilan para sumakit yung tyan ko gusto ko makawala pero hindi ko magawa dahil na rin masakit. Bigla nalang pumasok si Natalie at kinuha nya ang isang kutsilyo sa isang lalaki at lumapit sakin dala nya yung cellphone at habang papalapit na sya sakin vini-videohan nya ako.

"Are you ready for the final?" tanong nya sakin at ngumiti sya sakin ng nakakaloko.

Sumunod na nangyari naramdaman ko nalang na ang pagsaksak niya sa tyan ko napatingin naman ako agad at nakita kong dumudugo at dumadaloy sya pababa sa mukha ko nanghihina na ako at tuluyan ko na rin pinikit ang mata ko siguro ito na yung oras na mabubuhay ako, masaya naman ako na may nakilala akong mga kaibigan lalo na ang best friend ko.

Samantha P. O. V

Sa ngayon masaya na akong nakikita silang masaya lahat lalo pa kaya na makikita at maliligtas ko na ang best friend ko ngayong gabi kasi plano namin ni Ate Sandy at Lucas na iligtas si Lisa at hindi dapat malaman ng lahat. Naisipan din namin ni Lucas na kapag tulog na ang lahat doon pa lang kami gagawa ng move para makaalis sa bahay.

Ilang araw ko palang nakikilala si Lucas parang ang gaan ng loob ko kapag kasama sya at mas lalo pa kaming nagiging close kapag pumupunta kami kay Ate Sandy at nagte-training buti nalang hindi nila nahahalata yon ang nahahalata lang nila ay yung sobra na kaming close ni Lucas pero wala akong gusto sa kanya ha! Sobra lang talaga ang gaan ko sa kanya.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon