Kristel P. O. V
Ilang buwan na rin nakalipas pagkatapos makipag-away si Samantha kay Yohan dahil sa binastos nya ako at ilang buwan na rin na hindi kami ginagulo nila, may mga times naman na nakakasalubong namin sila pero walang pansinan at batian na nagaganap ang sarap sa feeling na walang nanggugulo sa akin at nakafocus lang ako kung ano ang meron sa akin ngayon mabuti nalang yung bago kong trabaho na pinasukan ko din malaki-laki ang sweldo at nabibili ko na yung mga kailangan ko sa araw-araw para sa amin nila Tita.
Pa-out na ako ngayon sa coffee shop at time na para umuwi. Maaga pa ang pasok ko bukas bali papasok ako ng maaga sa school tapos pagdating ng 2:00 pm hanggang 9:00pm trabaho naman kaya wala narin minsan time para magpahinga lalo na naghahabol din ako ng lesson dahil sa mga namiss kong class nung nakaraan.
"Sir aalis na po ako." pagpapaalam ko sa boss namin. May kasabay din ako isang babae so far naman close kami kaya pagtuwing mago-out na kami sabay kaming umuuwi.
"Osige! Mag-iingat ka! Don't be late tomorrow may opening tayo bukas sa kabilang coffee shop natin gusto ko kumpleto kayo don." sagot ng boss namin saming dalawa.
Oo may bago na naman na coffee shop na tinayo ang boss namin sabi ililipat daw kami para mag work sumang-ayon din kami kaagad dahil malapit na rin lang ang bahay namin papauwi. Hindi narin kami mahihirapan sumakay dahil pwede nalang namin lakarin..
"Yes Sir!" sagot namin dalawa at nagpaalam na nga kami.
After 20 minutes na paghihintay namin ng bus.
"Oh~ pano ba yan Kristel una na ako sayo! Mag-iingat ka nalang pauwi." sabi ng kasama kong babae.
"Sige! Stacey ikaw din mag-iingat! Kita kits nalang bukas." sabi ko naman sa kanya sabay na nagpaalam siya.
At eto naman ako ngayon mag-isang naglalakad buti nalang dito sa dinadaanan ko may ilaw kaya hindi masyadong nakakatakot.
Kinabukasan pagkatapos ng klase ko nagpaalam na rin ako kala Samantha na mauuna na akong umuwi dahil opening ng bagong coffee shop na pinag-tatrabahuhan ko nasabi ko narin sa kanila at inaya ko na pumunta don kaso hindi sila available may next time pa naman pero sa totoo lang nalungkot ako pero sabi ko marami pang araw na pwede silang pumunta.
Flashback.
"Girls punta kayo bukas sa opening namin ha! Wag kayong mawawala don." pangiting sabi ko sa kanila habang nagkekwentuhan kami sa tambayan namin.
"Kristel~ Sorry baka hindi ako makapunta bukas kasi may lakad kami ni Edward pero promise babawi ako sayo." sagot ni Faith.
"Oo nga kristel wag ka din sana magalit samin ni Lisa aalis kasi kami bukas may inutos sakin si Mommy no choice ako kaya baka hindi kami makapunta sa mismong oras ng opening nyo pero pagkatapos naman siguro ng meeting namin don sa kapartnership ni Mommy subukan namin dumaan don pero kung hindi naman promise babawi din kami." sabi naman ni Samantha.
"Ako din Kristel baka hindi rin ako makapunta bukas darating si Mommy kailangan makauwi ako ng maaga para mapagluto si Mommy. Sana hindi mo isipin na plinalo namin na hindi makapunta wrong timing lang talaga!" sagot naman ni Cloe.
"Nako~ Ano ba kayo okay lang noh! May next time pa naman. Tsaka hindi ko iniisip naman na lahat nagsabay-sabay kaya Cloe hindi wrong timing yon! Naiintindihan ko naman tsaka tinulungan nyo naman ako makahanap agad ng trabaho kaya dapat sana ite-treat ko kayo bukas kaso hindi available pero may next time pa naman diba?" pangiti kong sabi sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/96201892-288-k576503.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
FanfictionOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...