Lucas P. O. V.
Nakatanggap ako ng text mula kay Claire na pinapapunta raw ako ni Master S at gusto akong makausap at mahalaga raw ang sasabihin nito. Agad naman ako nag-ayos para pumunta don pero hindi kadali na umalis dahil panigurado magtatanong sakin sila Ethan kung saan ako pupunta.
Nagpalusot nalang ako na uuwi na sa bahay para magpahinga sa sobrang pagod na rin sa paghahanap namin kay Samantha at sa iba pa nitong mga kaibigan. Nagpaalam na ako kala Ethan na uuwi na mabuti nalang hindi nila ako nahalata non kaya naman pagkaalis ko don dumiretso na agad ako.
Pagkarating ko pumasok na ako sa loob napansin ko naman na lahat ng tao ay nakatingin sa akin pati sila Malix nagulat ako kasi nandon sila sa pagkakaalam ko nagistay sila sa US pero kinatuwa ko naman na nandito sila hindi ko na sila binati dahil nagmamadali na nga ako pero siguro kung maaga akong matatapos pupuntahan ko sila.
Pagpasok ko sa office ni Master S nakita ko si Claire na nag-aabang.
"Claire!" tawag ko sa kanya sabay na lumapit ako.
"Ba't ang tagal mo kanina ka pa gustong makausap ni Master." sagot naman ni Claire.
"Sorry! Nagpalusot pa ako kala Ethan." sagot ko naman. Agad namang tinawagan ni Claire si Master S at sumagot naman ito kausap ko sya thru videocall lang at syempre nakatago ang mukha nya.
"Lucas! Kamusta yung pinapabantayan ko sayong misyon?" tanong ni Master S sakin.
"Sorry po! Master hindi ko po nagawa ng maayos pero wag po kayong mag-alala dahil ginagawa ko naman po ang lahat para mahanap si Samantha." sagot ko.
"So tama nga sila! Hindi mo nagawa ng maayos. Alam mo ba na kapag kinuha si Samantha ay bigla yon kumanta sa kalaban natin!?" sabi ni Master S at sa pananalita nya iba parang galit sya.
"Hindi naman po siguro gagawin yon ni Samantha kilala ko po sya." sabi ko naman.
"Paano mo naman na sisiguro na hindi sya kakanta ha!?" pagalit na sabi nya sakin.
"Pasensya na po talaga Master promise hindi na mauulit sa susunod." sagot ko naman.
"Talagang wala ng susunod dahil tapos na ko sayo! Makakaalis kana dito sa grupo na 'to! At sa iba ko na ipapatapos ang hindi mo natapos simula pa ng una." sagot ni Master S.
Nagulat ako sa sinabi nya dahil hindi ko aakalain na sasabihin nya yon sakin ng harap-harapan dahil sa isang mali na nagawa ko.
"Pero Master hindi nyo ako pwedeng alisin ng basta-basta sa grupo na 'to! Marami na akong nasimulan at nagawa hindi nyo pwedeng gawin sakin' to." pangangatwiran ko.
"Oo marami ka ng nagawa before pero yung isang pinapagawa ko na simple lang hindi mo nagawa ng tama." sabi naman ni Master S.
"Claire pwede mo nang ilabas sya at siguraduhin mong hindi na siya babalik dito." dagdag nya pa sabay patay ng tawag.
"Claire! Hindi pwede!" pagtataas ko ng boses.
"Sorry Lucas wala akong magagawa, ang utos ni Master ay utos kailangan ko lang gawin 'to kaya pwede ka ng umalis." sabi naman ni Claire sakin. Hindi ko na matanggap ang nangyayari kaya pala nakita ko sila Malix na nandito naisip ko kaagad na baka sa kanila ipapasa ang misyon ko.
Umalis ako na may galit sa puso dahil hindi ko matanggap ang nangyari nagmakaawa pa ako pero ni hindi ako pinakinggan ni Master S pati na rin ni Claire. Umuwi ako sa bahay ko ng nakainom at lasing na lasing at hindi ko namalayan na nandito na sila Ethan.
BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
Fiksi PenggemarOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...