Cloe P. O. V
5:30 na ng umaga at hindi pa ako tumatayo sa higaan ko sobra pa kasing aga para pumasok ng ganitong oras bale 1 hour nga ang byahe ko papunta sa school ng DHA first time ko ring pumasok sa school dahil simula bata pa lang ako home study na ang kinalakihan ko naghihire si Mommy ng tutor para turuan ako sa mga lesson para hindi ako nahuhuli sa mga kasabayan kong mga bata/teenagers hindi ko alam kung bakit ayaw akong ipasok ni Mommy sa mga school dati kaya laging bahay lang ako tapos pupunta sa resort namin para tumulong kay Daddy pero simula nung nawala si Daddy.
Marami na ring nagbago katulad ng napagusapan namin ni Mommy na magaaral na daw ako sa school na mismo nung una talaga sobrang ayoko dahil nasanay na ako lagi sa bahay nagalit ako kay Mommy dahil nga inispoiled nila ako masyado tapos ito ako ngayon magaaral na sa school ng DHA and yes ako lang mag-isang nasa bahay kasama ng mga katulong at guard hindi kasi din pwedeng iwan ni Mommy ng basta basta ang resort namin kaya ok lang din sakin para maranasan ko naman maging independent.
Madalas bad girl ako dahil mas gusto kong mag-isa at higit sa lahat magagawa ko gusto kong gawin.
6am na akong nag-ayos para pumasok wala tinamad talaga ako ng sobra tutal naman 8am pa pasok ko pero sabi nga ng isang maid namin kanina baka daw ma-traffic ako sa daan kaya ito ako tapos ng maligo at mag-ayos hindi na ako kumain kahit nagluto na ang 2 maid na kasama ko sinabi ko nalang na sila nalang ang kumain at ako doon nalang sa school kumain baka malate pa kasi ako.
Nagmadali na akong umalis ng bahay para pumasok buti nalang yung iniwan ni Mommy na kotse dito maganda-ganda astig sya pero I know naman na kay Daddy 'to kaya sa ayaw at gusto ni Mommy akin na'to aalagaan ko naman gaya ng pag-aalaga sakin dati ni Daddy
Nasa kalagitnaan na ako ng traffic ngayon 1 oras nalang dapat andon na ako sa school hindi ko talaga aakalain na maaga ang traffic dito don kasi sa amin maluwag at nagbibigayan ng daan pero dito ibang-iba.. Napansin ko nalang sa gilid ko ang isang magandang sasakyan masasabi ko talaga sobrang astig ng kotse nya tinignan ko kung sino yung nasa loob at nakita ko si Samantha tatawagin ko na sana sya ang kaso bigla namang nag Go yung traffic light pero makikita ko naman sya mamaya.
7:30 na at buti nalang nasa school na ako pero 20 minutes nalang para umabot pa sa first subject ko. Naghanap muna ako kung saan ko sya pwedeng ipark nakita ko na naman ang kotse kung saan andon si Samantha napag-isip-isip ko na doon nalang din ako magpark sa tabi ni Samantha..
"Samantha!" tawag ko kay Samantha kakababa nya lang sa kotse at parang may hinahanap sya nagulat din sya ng tawagin ko.
"Cloe?" pagtatakang sagot nya.
"Buti nalang naabutan pa kita. Teka lang kunin ko muna gamit ko" sabi ko naman sa kanya habang kinukuha ko na ang mga gamit ko.
"Ang ganda naman ng kotse pero parang hindi yan yung gamit mo nung nameet kita" sabi ko sa kanya.
"Ito parin yon pinaayos ko lang may mga binago lang ako dito." sagot nya.
"Ahh~~ Anyways! May kilala kang Mrs. Camille Sanchez sabi kasi ni Mommy yun daw ang hanapin kong teacher dito." tanong ko ulit sa kanya.
"Ah oo kilala ko sya prof. ko yun gusto mo ba samahan kita sa faculty room nya." sabi nya.
"Pwede ba? Pasensya na sa abala ha." sagot ko.
"Hindi okay lang. Ano tara na?" pag-aaya nya sakin tumango nalang ako tsaka kami naglakad at nakarating naman kami agad.
![](https://img.wattpad.com/cover/96201892-288-k576503.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
FanfictionOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...