ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 32: ᴋʀɪsᴛᴇʟ's ɪᴅᴇɴᴛɪᴛʏ

697 13 1
                                    

Kristel P. O. V

Hanggang ngayon bihag pa rin kami nila Natasha at ilang linggo na rin kaming nandito na nakakulong. Minsan hindi nila kami pinapakain minsan kapag binibigyan nila kami ng pagkain tinatapon lang nila kaya kami no choice na kainin yung nasa lapag basta matawid lang yung gutom namin pare-parehas.

"Sana hinahanap nila tayo." sabi ni Cloe.

"Panigurado naman na hinahanap nila tayo lalo na si Samantha hindi titigil yon hangga't hindi tayo nahahanap." sabi naman ni Lisa.

"Namimiss ko na silang lahat! Sana okay lang si Mommy at hindi mag-alala sakin sana laging nandon si Kuya Ethan sa tabi nya alam kong di nya pababayaan si Mommy." sagot naman ni Faith.

"Ano ba kayo? Wag nga kayong mag-isip ng ganyan alam nyo pagnakaalis na tayo dito sama-sama tayong uuwi sa mga pamilya natin at hindi ako papayag na mag-istay tayo dito habang buhay." sabi ko naman sa kanila.

"Kamusta na kaya sila doon noh!? Sana okay lang din sila." sabi naman ni Lisa

Nalulungkot ako para sa mga kaibigan ko naalala ko tuloy nung mawala sa akin yung nag-iisa ko nalang na kapatid hindi ko matanggap na wala na sya nung araw na yon at ang tanga ko dahil wala akong nagawa bilang Ate nya.

Maya-maya pa dumating yung Natalie nagulat ako ng iutos nya sa mga tauhan nya na kunin ako sa loob.

"Teka! Anong gagawin nyo kay Kristel ha!?" sabi ni Faith don sa mga lalaki.

"Ano ba bitawan nyo nga ako!" sabi ko naman habang nagpupumiglas ako.

"Wag kayong mag-alala girls! Hindi ko naman sasaktan ang kaibigan nyo mag-uusap lang kami. Sige dalhin na sya." sabi naman ni Natalie.

Habang hawak-hawak nila ako sila Faith nagsisigaw pa rin. Hinayaan ko nalang na kunin nila ako. Dinala naman nila ako sa isang kwarto at sa kwarto na yon puti ang paligid maliban sa upuan at lamesa na nakalagay don na kulay itim.

"Ano ba talaga ang kailangan nyo sakin?" tanong ko sa kanila. Hindi sila sumasagot sa mga tinatanong ko patuloy lang sila sa paghahawak sakin nauna ng umupo si Natalie tsaka sinunod nila akong pinaupo na sapilitan pa.

"Ano ba talaga ang pakay mo samin!?" pagtataray ko sa kanya.

"Relax ka lang Kristel! Wala naman akong gagawin sayo na masama may mga sasabihin lang ako sayo na importante." sagot naman nya.

"Alam mo maganda ka naman! Pero bakit kaya yung kapatid mo ang nagustuhan ni Yohan." sabi nya pa na pinagtaka ko naman kung bakit nya alam ang tungkol sa kapatid ko.

"Nagulat ka siguro dahil alam ko ang background mo! Well wag ka ng magtaka dahil una pa lang pinag-aralan ko na kayong lahat." dagdag nya pa.

"Ano ba talaga ang gusto mong ipunto ha!" inis kong sabi sa kanya.

"Kaya ba sobra nalang ang galit mo kay Yohan noon? Pero ngayon hindi~ kasi nga nagugustuhan mo na rin sya. Pero paano kaya kung nalaman ng kapatid mo na sakaling nabubuhay pa sya na may gusto ka na sa boyfriend nya I'm sure magagalit yon dahil inagaw mo sa kanya ang taong mahal nya pati na rin sa taong pinagkatiwalaan nyang Ate." sagot naman nya.

"Tumigil kana!" pagalit na sabi ko.

"Bakit ayaw mo bang pag-usapan natin?" pang-iinis nyang sabi sakin.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon