Samantha P. O. V
Agad kong hinanap si Natasha pagkatapos naming mag-usap nila Faith. Nakarating ako ng Room ng Taekwondo at doon ko nakita si Natasha.
"Natasha!" sigaw ko sa kanya. At tumingin sya sakin pumasok ako sa loob para harapin na rin sya at matapos na ang lahat ng ito.
"Hindi mo dapat ako pinag-aantay couz!" sabi ni Natasha.
"Napaka-sama mo talaga kahit kailan!" sagot ko.
"Masama na kung masama! Tapusin na natin 'to!" sagot ni Natasha. Hanggang sa nakakuha sya ng isang malaking kahoy at ihahampas nya sa akin.
"Diba ikaw rin naman ang may gusto nito? Pwes! kalabanin mo ko, alam kong atat ka na rin sa paghihiganti sakin." dagdag nya pa.
"Siguro nga atat na ko! Pero Natasha hindi mo ako katulad magkaibang-kaiba tayo hindi ko ugali na manakit ng kapwa at pumatay katulad mo." sagot ko sa kanya.
"Then prove it Samantha! Ayoko ng puro salita lang." sagot naman nya.
Nabigla ako nang bigla syang sumugod sakin mabuti nalang agad akong nakaiwas sa kanya.
"Oh come on! Couz lumaban ka!" sabi ni Natasha.
Iniiwasan ko syang saktan dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako gagawa ng ikakasakit namin parehas. Pinipilit ko syang hindi kalabanin kahit pagod nakong kakaikot-ikot lang sa mga ginagawa nya sakin. Hindi ko alam kung kailan sya titigil at hindi napapagod.
"Ahhh~~~!!!" sigaw ni Natasha hahampasin nya ako ng malaking kawayan medyo natamaan ako ng konti sa ginawa nya.
"Natasha pwede ba itigil nyo na 'to! Sumuko na kayo sa mga pulis." pakiusap ko sa kanya.
"Pwede pa kayong magbago! Wag kang mag-alala tutulungan kita." dagdag ko pa.
"Tulong? Matagal na kong humihingi nun pero ni isa walang tumulong sakin pati mga kaibigan ko hindi nila ako kayang tulungan." sagot ni Natasha. Nagulat ako sa sinabi ni Natasha napaisip ako siguro kaya nya ito ginagawa ay dahil na rin sa mga na experience nya dati.
"Natasha listen to me! Alam ko marami ka ng kapalpakan na nagawa sa buhay mo pero diba dapat hindi mo agad sinukuan kahit talikuran ka pa ng mga kaibigan mo dapat mas lalo kang maging matatag sa kanila." sabi ko sa kanya.
"Ang dami mong satsat tapusin na natin 'to! At pwede ba tigilan mo yang mga sinasabi mo dahil hindi ko kailangan ang opinyon mo buhay ko 'to hindi mo buhay kaya malaya akong gawin yung mga bagay na gusto ko." sagot ni Natasha.
Sinugod nya ako ulit at hindi na sya tumigil marami akong suntok na natatamo pero wala na sakin to. Alam kong tanga ako na hindi lumaban sa kanya.
"Natasha tama na!" pag-aawat ko sa kanya.
"Manahimik ka! Ahh~~!!" sigaw ni Natasha at sinugod nya ulit ako. Pero this time lumaban na ko dahil may baril syang nilabas. Pilit kong inaagaw sa kanya pero hindi sya nagpapatalo.
"Bitawan mo ko! I said let me go!" sigaw nya sakin.
"Sa tingin mo ba Natasha kapag nakaganti ka na magiging masaya kaba dahil may napatay ka at sa sarili mo pang kamag-anak at kadugo." sabi ko naman sa kanya. Hanggang sa nabitawan ko yung baril at nakuha nya.
BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
FanfictionOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...