ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 38: sᴀᴍᴀɴᴛʜᴀ ᴀɴᴅ sᴀɴᴅʏ ᴀʀᴇ ᴀʟɪᴠᴇ

690 15 3
                                    

Faith P. O. V

Hindi sumuko ang mga Doctor para masalba pa sila Samantha at Sandy. Matapos ang dalawang oras na pagrerevive kila Samantha at Sandy sa wakas binigyan sila ulit ng pagkakataon ng panginoon na mabuhay pa kasama namin. At makalipas lang ng ilang linggo okay na rin kami. Sa ngayon nagpapagaling na sila Samantha at Sandy habang kami dahil sa trauma na nakuha nagstay kami ng dalawang linggo sa ospital okay na rin yon samin dahil nadadalaw rin namin sila Samantha.

Dalawang linggo na rin na hindi namin nakakausap sila at hindi pa nagigising dahil sa nangyari. Si Natasha okay na rin ang lagay nagpapagaling na sya minsan pinupuntahan din namin nila Cloe para kamustahin. Nawala na yung galit at inis namin kay Natasha simula nung nag-open sya sa amin. Nasabi rin sa amin ni Natasha na namatay si Natalie matapos magtangkang tumakas sa kulungan habang ang Daddy naman nya napatay rin ng mga pulis pagkatapos na barilin si Sandy. Alam ko kahit hindi sabihin ni Natasha masakit din sa kanya ang nangyari.

Nalulungkot rin kami sa mga pinagdaanan ni Natasha ngayon pero sabi naman nya sa amin na sa amin lang daw nya nakita ang totoong pagmamahal at pagkakaibigan na kahit minsan sa buhay nya na hindi nya naranasan.

Masaya kami na ibinahagi ni Natasha kung bakit nya yon nagawa lahat hindi lang sa inggit at galit kundi problema nya sa pamilya nya. Lagi din syang nagtatanong at nakiki-update samin kung gising na ba sila Samantha dahil gusto nyang humingi ng tawad, sabi namin kahit na nagawa nya yon lahat patatawarin pa rin sya ni Samantha.

Ngayong araw kami na madi-discharge sa ospital pagkatapos ng nangyari. Si Natasha naman kailangan nya pang magstay ng isang linggo dahil sabi ng Doctor kailangan pa syang i-monitor. Dinalaw na muna namin si Natasha bago kami na umalis at umuwi muna ng bahay.

"Natasha!" tawag ni Cloe kay Natasha lumapit kaming apat para ibigay sa kanya ang dala naming mga prutas kasama ang bulaklak na pinabili namin kala Zack.

"Faith! Kayo pala. Ah~ Nurse pwede bang mamaya nalang kakausapin ko lang mga kaibigan ko." sabi ni Natasha don sa nurse.

"Kamusta na Natasha? Sya nga pala may dala kami para sayo." sabi ni Kristel kay Natasha sabay abot namin ng prutas at bulaklak.

"Ito bagot na bagot na gusto ko na rin makalabas kagaya nyo." pagbibiro ni Natasha.

"Nako! Ikaw talaga konting tiis lang makakalabas ka na rin." sagot ko naman.

"Sya nga pala sila Samantha kamusta na sila? Gising na ba?" tanong ni Natasha sa amin.

"Ayaw kasi akong papuntahin ng mga nurse sa kanila. Eh! Yun na nga lang gagawin ko dito para hindi maboring ayaw pa nila." dagdag nya pa.

"Wag kang mag-alala okay lang sila. Kung gusto mo sa susunod kami ang magpapaalam sa mga nurse na humahawak sayo para madalaw mo sila." sabi ko naman sa kanya.

"Talaga? Nakoo! Salamat ha. The best talaga kayo." sagot ni Natasha.

"Ah~Natasha pumunta rin kami dito para ipaalam din sayo na gusto ka raw kausapin nila Kate." pag-iiba naman ni Cloe.

"Pero kung ayaw mo naman at hindi ka pa ready na kausapin sila sabihin nalang namin sa kanila na sa ibang araw nalang." sabi naman ni Kristel.

"Hindi okay lang gusto ko na rin silang makausap." sagot ni Natasha naiba ang ekpresyon ng mukha nya nung sabihin nya yon.

"Sige! Sasabihan na namin sila na pumunta na dito para makapag-usap kayo. Balitaan mo kami agad, kapag may nangyari na hindi maganda sabihin mo lang samin sila Zack na bahala sa kanila. Hindi kasi namin sila mahaharap din kailangan namin na umuwi muna para makapag-ayos pero wag kang mag-alala babalik din kami dito." sabi ko naman sa kanya.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon