Kristel P. O. V
1 one week na ang nakakalipas matapos mangyari ang pagsabog ng bomba sa school pati na rin kung paano nag-agaw buhay si Samantha grabe talaga ang pag-aalala namin sa kanya nun akala talaga namin katapusan nya na kaya salamat sa Diyos na binigyan pa rin sya ng pangalawang buhay pero si Natasha ilang araw na rin namin sya hindi nakikita sa school ni hindi na rin sya pumapasok dahil sya ang may kagagawan sa lahat ng nangyari kaya pinaghahanap pa rin ng mga pulis.
Siguro para narin sa proteksyon ng lahat na nag-aaral sa Dream High Academy at para mapagbayaran nya ang lahat ng ginawang pagsira sa school. Napag-usapan na rin namin nila Faith, Cloe, at Lisa ang tungkol kay Sandy nagtaka kami kasi nung gabing sobra ang pag-aalala nya kay Samantha ewan kung bakit ganun pero may hinala na kami na konektado ito sa buhay ni Samantha.
Nagtanong kami kay Lisa dahil sya ang mas nakakakilala kay Samantha kesa sa amin pero wala rin syang alam maliban nalang na may nabanggit si Samantha dati sa kanya na may nakita syang picture ni Samantha na may kasamang batang babae tinanong naman nya daw yun pero ang sagot lang sa kanya importanteng tao lang kaya inisip namin na may tinatagong sekreto si Samantha na hindi pa namin alam. Ayaw muna namin banggitin at magtanong sa kanya ang gusto namin na sa kanya manggaling yun.
"Sandy?" pagtataka kong sabi sa kanya. Nakita ko kasi sya na gustong pumasok sa isang kwarto kung saan ayaw kaming papuntahin at papasukin ni Samantha.
"Kristel! Ikaw pala. Akala ko naman kung sino na tinakot mo ko don ha!" sagot nya pero nahalata ko sya na kinabahan.
"Pasensya kana ha! Ano bang ginagawa mo dyan? Sabi kasi ni Samantha bawal pumasok sa kwarto na yan." sabi ko sa kanya.
"Ah ganun ba? Na-curious kasi ako sa loob nito kaya parang gusto kong pumasok." sagot nya sabay ngiti.
"Kami nga rin lahat gusto namin malaman kung ano ang nasa loob nyan kaso private, eh! Ayaw din naman namin pakialam si Samantha kung ayaw nyang sabihin kung ano ang nasa loob nyan tsaka baka magalit pa sa amin yon." sagot ko sabay ngiti ng nakakaloko sa kanya para hindi nya mahalata na nahahalata ko sya.
"Oo nga! Tara puntahan na natin sila baka hinahanap na tayo sa baba." pag-aaya nya sa akin at nauna na syang naglakad.
Pagbaba namin ni Sandy mukhang nagkakatuwaan sila at bakas kay Samantha na masaya sya na wala ng iniindang sakit sa tagiliran nya.
"Sya nga pala Samantha papasok ka na ba bukas?" tanong ni Samuel.
"Oo naman! Okay na ako hindi na masyadong masakit yung tagiliran ko tsaka bala lang naman tumama sa akin kaya sisiw lang 'to!" pagbibiro pa ni Samantha sa aming lahat.
"Halata nga okay kana! Alam mo halos nanghina kami ng makita namin kalagayan mo kaya mabuti nalang talaga hind ka natuluyan pasalamat tayo kay Warren na nagligtas sayo dahil kung hindi baka hindi kana nakuha sa loob." sagot naman ni Faith.
"Oo nga eh! Kaya utang ko buhay ko kay Warren at sobra akong nagpapasalamat sayo Warren di ka pa rin nagbabago." sagot ni Samantha sabay ngiti nito kay Warren.
"Anong ibig mong sabihin hindi pa rin sya nagbabago?" pagtatakang tanong ni Charles kay Samantha.
Lahat kasi kami nagtaka sa sinabi ni Samantha dahil parang kilalang-kilala na nito si Warren.
"Mga ulyanin na talaga kayong lahat! Remember nung niligtas nya rin ako sa pagkakalunod ko nung araw ng Retreat natin dahil tinulak ako ni Natasha sa pool at si Natasha ulit ang gumawa ng pagsabog sa school natin." sagot ni Samantha.
BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
FanfictionOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...