ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 13: ᴏᴜʀ ғɪʀsᴛ ᴅᴀᴛᴇ

1K 27 1
                                    

Faith P. O. V

Excited na ako para sa unang date namin ni Edward halo-halo ang emosyon ko ngayon at sobra ko talaga ito pinaghandaan hindi ko alam kung makakatulog pa ako mamaya para bukas sa date namin syempre yun yung official na date namin kumbaga "First Date". Sa ngayon hindi ako makapili sa susuotin kong damit bukas, maya-maya may bigla kumatok.

"Kuya?" pagtataka kong sabi ngayon ko lang kasi din nakita si Kuya Ethan na pumasok sa kwarto ko at hindi sya pumapasok talaga sa kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" pagtataka kong tanong sa kanya. Tuloy-tuloy syang pumasok at umupo sa kama ko.

"Huwag kang masyadong excited dyan! Hindi porket pinayagan na kita makipagdate sa kanya pwede mo na rin suwayin ang mga sinasabi ko sayo kung hindi ito na yung last na date nyo ni Edward." seryosong sabi ni Kuya Ethan sakin.

"Oo naman Kuya! Promise is a promise tsaka behave lang kami ni Edward alam nya yon dahil gusto kong magtapos muna ng pag-aaral bago kami pumasok sa isang bagay na dapat pag-iisipan namin bago gawin." pangiti kong sagot kay Kuya Ethan.

"O sige na sige! May napili ka na bang isusuot para bukas?" pagiiba nya ng topic.

"Yun nga eh! Wala pa." sagot ko.

"Suotin mo yung binigay ni Mommy para sayo na dress dati I'm sure bagay sayo yun kahit hindi ko pa nakikitang sinusuot mo yon." sagot ni Kuya Ethan tumayo na sya agad pagkatapos nya yon sabihin palabas na sana sya ng pintuan ng may sinabi pa sya.

"Bunso! Kahit anong suot mo naman bagay sayo! And reminder lang ulit yung mga binilin ko sayo wag mong kakalimutan don't break the promise!" pahabol ni Kuya Ethan sabay labas nya ng pintuan.

Ngayon ko lang nakita si Kuya Ethan na ganun magsalita sakin at first time kong narinig sa kanya na magsuggest ng isusuot ko bukas.

Napansin ko parang may bago kay Kuya Ethan kasi hindi naman sya ganyan sakin dati dahil laging lang kaming nag-aasaran at nag-aaway tapos ngayon bigla bait nya sakin. But anyways mas gusto ko ngayon ugali ni Kuya Ethan ngayon ko lang nakikita kung paano nya ako alagaan at protektahan.

After ng sinabi ni Kuya Ethan sakin agad ko naman kinuha yung binigay ni Mommy na nakalagay sa paper bag hindi ko pa kasi binubuksan yon nung first day of school ko kasi nga bumili ako ng damit na isusuot ko kinabukasan non hindi ko naman alam na bumili pala si Mommy ng damit at ang sabi nya suotin ko raw sa unang araw ng school ko sabi ko naman nakabili na ako sinabi ko nalang na susuotin ko sya sa susunod at yun nga parang na-guilty ako kasi nakita ko si Mommy na malungkot kaya bumawi nalang ako sa kanya.

Pero ngayon napagisip-isip ko na tama nga si Kuya Ethan dapat ito nalang suotin ko para bukas at para kapag nakita ni Mommy baka matuwa yun. Binuksan ko na nga yung paper bag pagkabukas ko nagulat ako ng makita ko yung damit sobrang ganda ng dress na yun sinubukan ko syang suotin pumasok ako sa CR para magpalit ng papunta na ako sa salamin hindi ko aakalain na sobrang bagay sakin at saktong-sakto sya. Natuwa naman ako sa binigay ni Mommy hindi ko aakalain na sobra palang ganda nito. Pagkatapos kong tignan sarili ko sa salamin ng 20 minutes dahil sa sobra ko na rin tuwa nagpalit na ako tsaka natulog.

Kinabukasan..

Ito na yung araw na inaantay ko kagabi pa and finally matutupad na sya sobra ko 'tong pinaghandaan dahil sa tagal ko ng kilala si Edward lalo na ng aminin nya sakin na gusto nya ako sobrang saya ko nun dahil parehas nga kami ng nararamdaman sa isa't-isa.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon