Samantha P. O. V
Pagkatapos ko maghilamos dumiretso ako sa study table ko para libangin ang sarili ko at hindi ko na iniisip yung nangyari sakin kanina.
Sa ngayon nakaupo na ako dito malapit sa bintana na binuksan ko. Nagtaka naman ako sa isang kotse na itim ang nakaparada don mabilis naman akong nagtago agad baka kasi nakikita nya ako ngayon. Tinitignan ko yung kotse na itim at hinihintay ko kung baba ba sya pero mukhang wala naman masyado lang ata akong praning.Hindi na ako makatulog dahil narin siguro don sa itim na nakaparada sa tapat ng bahay namin at natatakot din ako kasi ako lang mag-isa sa bahay nagpaalam kasi sila Nanay Fe na uuwi muna raw sila sa probinsya nila dahil nga may emergency, sa ngayon din wala rin si Ate Charice dahil nag-aaral sya at stay-in bale may sarili syang dorm dahil na rin sa pinag-aral sya ni Mommy bali wala sya dito dahil malayo ang pinapasukan nyang University kaya tuwing weekend nandito sya si Kuya Ron naman ayun kasama ni Nanay Fe umuwi sa probinsya nila.
Si Kuya Kyle naman alam nyo na busy rin out of the country pa kaya hindi pa sya umuuwi si Mommy naman ganun din wala sya nasa Paris para sa ilalaunch nilang business don kailangan kasi nandon sya dahil importante si Mommy doon. Kaya as usual mag-isa lang ako sa bahay bago naman ako umakyat at pumasok sa kwarto ko sinugurado ko na walang makakapasok. Pero sa ngayon siguro hindi ulit ako makakatulog ng maayos dahil sa nakaparadang kotse na itim sa tapat ng bahay namin.
Naisipan kong ichat sila Faith baka sakaling gising pa sila para may ayain sila na dito muna matulog para may kasama ako dito kahit ngayong gabi lang hindi pa rin kasi ako kampante.
Ringgg....
Ringgg...
Ringgg...
Faith is Calling...
"Hello Faith?" sabi ko sa phone mabilis kong sinagot ang tawag nya dahil napapraning na ako sa ngayon.
"Samantha? Ayos ka lang? Papunta na kami ni Kristel ngayon dyan." pag-alalang sagot ni Faith sa phone.
"Okay sige basta bilisan nyo ha! Itext ninyo agad ako kapag malapit na kayo." sagot ko at hindi na nga ako mapakali palakad-lakad lang ako habang kausap si Faith sa phone.
"Osige sige! Papunta na kami dyan kasama rin namin sila Kuya Ethan at Warren ayaw kasi akong payagan dahil puro babae daw tayo kaya sinama ni Mommy sila Kuya Ethan para may kasama tayong mga lalaki." sabi pa ni Faith.
"Oo nga Sam! Tinawagan na rin nila yung iba para pumunta dyan." dagdag pa ni Kristel.
"Osige! Bilisan nyo tawagan nyoko kapag nasa tapat na kayo ng bahay." sagot ko naman.
"Susunduin na rin namin sila Cloe at Lisa para sabay-sabay na kaming pumunta dyan." sagot naman ni Faith.
Pagkatapos ng pag-uusap namin pinatay ko na rin yung tawag at inaantay ko nalang sila, naisipan ko na bumaba muna para doon nalang sila antayin at uminom ng tubig para naman mahimasmasan naman ako.
After 1 hour bigla naman akong kinabahan dahil nag-vibrate ang phone ko. Agad ko namang tinignan kung sino pagbukas ko akala ko galing kay Faith hindi pala ibang number.
BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
FanfictionOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...