ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 14: ᴛʜᴀᴛ's sᴏɴɢ!

1K 25 3
                                    

Cloe P. O. V

Saturday nang pumunta si Mommy sa bahay syempre pinagluto ko sya ng pagkain pero ang nakakalungkot hindi sya mag-istay sa bahay ngayon kasi marami pang trabaho sa Resort namiss ko tuloy pumunta don pati yung mga empleyado namin halos lahat kasi sa kanila ka-close ko so mahirap pa rin mag-adjust dito pero keri naman dahil agad ko ring nakilala sila Samantha.

Sa ngayon inihahanda ko yung lunch para kay Mommy nagtext na rin kasi sya na "On the way" so ako naman nagmamadali na magluto. After 10 minutes nakarating na rin si Mommy sa bahay ayun kumain lang kami at maya-maya naman muntik na ako nabilaukan sa sinabi niya.

"Oh! Anak kamusta ka naman dito? Kamusta pag-aaral mo?" Tanong ni Mommy habang kumakain kami.

"Po? Ahh~~ Okay naman po Mommy wala po kayo dapat ipag-alala ginagawa ko po ang best ko sa school!" Pangiting sagot ko kay Mommy

"Dapat lang! Walang kalokohan at Boyfriend muna, okay?" Sabi pa ni Mommy sakin.

"Mommy naman! Syempre wala po tsaka wala pa sa isip ko na magboyfriend." Sagot ko.

"Buti naman! Pati Tita mo wag mong papasakitin ang ulo nya lalo't na buntis ulit sya." Sagot ni Mommy nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Talaga po My?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nga!" Tipid na sagot ni Mommy.

"Kaya pala lately hindi sya pumapasok sa klase namin buntis na pala sya." Masaya kong sagot hindi sa natutuwa ako na hindi sya nagkaklase samin ha kundi natutuwa ako kasi may pamangkin naman ako hindi ko pa kasi nakikita yung unang anak ni Tita.

2 hours pala lang si Mommy nagistay dito ng biglang may tumawag sa kanya hindi ko na narinig yung pag-uusap nila pero alam kong sa tungkol sa resort namin yun. Maya-maya nagpaalam na rin si Mommy agad.

"Anak! Kailangan ko ng bumalik sa resort hindi na kita masasamahan ng matagal dito." Sabi ni Mommy habang inaayos nya ang mga gamit nya.

"Bakit po Mommy? May problema po ba sa resort natin?" Tanong ko.

"Oo anak! Pero wag kang mag-alala kaya ko naman. Osige na aalis na ako mag-iingat ka dito yung mga binilin ko sayo wag mong kakalimutan. Bye I love you!" Sabi ni Mommy hindi na ako nakapagpaalam ng maayos dahil nagmamadali na nga syang umalis at iniwan na naman ako ng mag-isa not totally mag-isa kasama yung mga katulong at guard namin.

Ngayon nasira araw ko kasi gusto ko pang makasama sana si Mommy ng matagal kaso yun na nga ang nangyari. Chineck ko nalang kung saan pwedeng pumunta nung una naisipan kong pumunta kay Kristel dahil nga Opening ng isa nilang Coffee Shop kaso hindi naman ako masyadong mahilig don at panigurado busy sya hindi nya ako mapapansin don. Naisipan ko na icheck sa Google kung saan malapit na pwedeng puntahan na Bar yung may mga tugtugan alam nyo na mahilig ako sa Music.

Agad namang nakapansin sakin yung Website na nakita ko "Music Bar" ang tawag natuwa naman agad ako kasi feeling ko puro kantahan ang ganap don hindi lang basta Bar sya so ayun tinignan ko kung saang lugar sakto naman na hindi kalayuan sa bahay ilang minuto lang byahe kaya pinuntahan ko na.

After 30 minutes na pagmamaneho nakarating na rin ako sa wakas sa pupuntahan ko muntik pa akong maligaw pero buti nalang medyo malaki ang Bar na 'to pumasok na ako agad sa loob dala ko ang gitara ko. Pagpasok ko sa loob agad naman akong puwesto sa bandang harap sa gilid pero pagpasok ko pa lang sa loob narining ko na yung kumakanta sa harap pero ang nakakagulat akalain mo yun ang kinakanta nung lalaki sa stage yung favorite ni Daddy pero ang kinagulat ko pa yung Jacob ang kumakanta non! Yung lalaking makulit na kinaiinisan ko sa resort at sa school.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon