Samantha P. O. V
Pagkatapos namin kausapin ni Troy sila Faith sa nangyari pumayag din kami dahil tama sila dapat hindi lang kami ni Troy ang magplano nito. Maya-maya pa nagpaalam na rin sila umalis pati si Troy dahil nga pinagsasabay nya ang career at pag-aaral ngayon, sa ngayon din hindi pa alam nila Faith kung ano ang meron sa buhay ni Troy dahil nagsasabi din sila Cloe na parang nakita na nga nila si Troy before pero ako naman dedma lang dahil pinoprotektahan ko naman ang image ni Troy.
"Oh! Samantha aalis na kami! Ikaw na naman maiiwan dito, basta tawagan mo kami agad kapag may nangyari wag kang mag-alala magpapaalam kami ni Kuya Ethan kay Mommy para samahan ka dito." Sabi pa ni Faith habang papalabas na kami ng gate.
"Ako rin Sam! Sasamahan kita tsaka kailangan dapat magkakasama tayo nila Faith." Sabi naman ni Cloe.
"Oo nga!" Dagdag pa ni Kristel.
"Ano pa nga ba magagawa ko! Walang problema sakin basta sa ngayon mag-iingat na tayo lalo't na kailangan ni Lisa ng tulong natin." sabi ko naman sa kanila.
"O sya mauna na kami sayo mag-iingat ka dito. Bibilisan nalang namin para makabalik kami dito agad." sabi naman ni Faith pumasok na rin ako sa loob at dumiretso sa Music Room para naman marelax ako kahit papano mabawasan ang stress ko.
Wala pang isang oras ata tinatamad na ako kaya naisipan ko muna magpahinga sa taas at maghintay na rin kala Faith ng may bigla akong narinig na kalampag humanap ako agad na pwede pamalo nakita ko naman sa gilid yung baseball bat ni Kuya Kyle noon na binigay nya sakin nung unang nilang panalo. Pumunta na ako sa itaas para tignan kung sino yon nandon nagdahan-dahan akong maglakad para hindi marining nung pumasok na tao sa bahay namin.
Nang makarating ako sa itaas nagulat ako dahil nakabukas yung kwarto dati ni Ate Sandy pinuntahan ko ka-agad yon naalala ko nalang na hindi ko pala sya nasarado kanina. Paglapit ko sa pintuan narinig ko ang isang boses na lalaki na tinatawag ang pangalan ko kaya pumasok na ako agad.
"Sino ka! Anong ginagawa mo dito sa kwarto?" sigaw ko don sa lalaking nakatayo at nakatalikod kaya hindi ko makita kung sino hanggang sa humarap na nga sya nagulat ako ng makita ko na siya.
"Lucas?" pagtataka kong sabi at mukhang nagulat sya ng makita ako naalala ko hindi pala ako nakadisguise na at mas lalo pa ako naghinala sa kanya ng pumasok sya sa bahay ng basta-basta at hindi ko man lamg yon narinig.
"Samantha? Ano kasi...." paputol-putol na sabi ni Lucas hindi nya alam kung paano nya sasabihin sakin yung nakikita ko ngayon natakot na ako dahil baka sya yung kumuha kay Lisa.
"Hindi kaya! Ikaw yung...!" Sagot ko hahampasin ko na sya sana ng baseball bat na hawak ko ng magsalita naman siya.
"Samantha! Mali ka ng iniisip! Hindi ako masamang tao." sagot nya napansin ko naman na umatras sya ng konti.
"Paano ako makakasiguro sa sinasabi mo ha?" tanong ko sa kanya.
"Okay! Sasabihin ko na kung ano talaga pakay ko pero pwede bang ibaba mo yan hawak mo!" sabi nya sakin nagdalawang isip na ako sa sinabi nya kung ibaba ko yung hawak ko ang iniisip ko naman baka pagbaba ko ng baseball bat tsaka nya ako aatakihin pero hindi naman nangyari.
"Pinapunta ako dito ni Master S para sayo at kailangan ka nyang makausap." Dagdag nya pa nagtaka ako sa binanggit na name dahil hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya.
BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
FanficOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...