ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 41: ғɪɴᴀʟᴇ

720 23 5
                                    

Faith P. O. V

Ilang araw na ang lumipas matapos ang nangyari kala Kristel at Yohan hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari at nag-aalala ako kay Kristel dahil wala pa kaming balita sa kanya napagisip-isip kasi namin nila Samantha na bigyan ng space at time muna si Kristel pero tulad nga ng sinabi namin sa party kapag kailangan nya kami taumawag lang sya.

After kasi mangyari yon naging tahimik ang lahat at naging busy.

"Babe! Kamusta na kaya si Kristel okay na kaya sya?" tanong ko kay Edward habang nakaupo kami sa ilalim ng puno at yakap-yakap nya ako. Inaya nya kasi ako para gumala na kaming dalawa lang.

"Siguro naman maayos sya. Pero di rin natin masabi dahil sa nangyari maaaring naapektuhan parin sya." sagot ni Edward.

"Wag ka ng mag-alala nandito naman ako e." dagdag nya pa.

"Babe naman alam ko na yon! Seryoso yung sinasabi ko alam mo naman na malapit rin ako kay Kristel." sagot ko.

"Alam ko naman yon babe! Ang akin lang gusto kong isipin mo na magiging okay rin sila at gusto ko rin isipin muna tayo, diba kaya tayo pumunta dito dahil sa date natin. Pero sige para gumaan ang loob mo meron akong good news sayo." pangiti nyang sabi sa akin.

" Talaga? Ano yon?" tanong ko sa kanya.

"Gusto kasi tayong makita nila Samantha at Warren mamaya may sasabihin daw kasing importante sila." sagot nya.

"Ha? Paano yan e si Cloe lumuwas ng probinsya nila at feeling ko matatagalan pa uwi nya bago kami pumasok." sagot ko naman.

"Nasabi sakin ni Samantha ngayon ang uwi ni Cloe kaya sakto lang na mag-uusap tayong lahat." sabi ni Edward sa akin.

"Odi okay! Pero ano kaya yung importanteng sasabihin ni Samantha sa atin. Sana good news yon. Teka? Anong sabi mo nga pala sa kanila?" sabi ko naman.

"Syempre sabi ko nasa date pa tayo kaya ang sabi ko sa kanya ayokong maistorbo! Joke lang! Sabi ko susunod nalang tayo mamaya alam ko rin na gusto mo ng makita sila ulit." sagot ni Edward.

After 123466789 minutes umalis na kami ni Edward para makipagkita kala Samantha at papunta na sa restaurant na pagmi-meetingan namin ngayon. Isang oras ang byahe mula sa pinuntahan namin hanggang don sa restaurant na pupuntahan namin.

Maya-maya pa tumawag sa akin si Samantha at sinabi nya na medyo malalate sya ng punta. Makalipas ang isang oras dumating na rin kami sa restaurant na sinasabi nila agad ko namang natanaw si Lisa na nakaupo at naghihintay pero kasama naman nya sila Zack, Marcus, Lucas, David at Charles.

"Lisa!" pagtatawag ko.

"Faith! Edward!" sagot ni Lisa sinalubong naman nila kami.

"Sila Samantha?" tanong ko sa kanila.

"Wala pa kakarating lang din namin dito pagtingin namin wala pa pala kayo dito." sagot ni Zack.

"Nagmessage kasi sakin si Samantha medyo malalate raw sya ng konti." sagot ko naman.

"Pero teka bakit nga pala tayo nya pinapapunta dito?" pagtatakang sabi ni Lucas.

"Siguro may mahalagang sasabihin si Samantha hindi naman sya tatawag satin kung hindi importante diba." sabi naman ni Edward.

"Namiss kita ang tagal nating hindi nakapag-usap lalo na malapit na ulit tayong bumalik sa pag-aaral." sabi naman ni Lisa sa akin.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon