ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 33: ᴇɴᴄᴏᴜɴᴛᴇʀ

639 15 3
                                    

Samantha P. O. V

Araw-araw kaming nagmamatyag ni Ate Sandy sa bahay para lang protektahan sila Mommy pati na ri sila Warren. Okay na ang lahat ng plano na ginawa namin pero may isa pa kaming huling gagawin bago makaharap ang magkapatid.

Minsan kapag busy naman si Ate Sandy umaalis ako para makita ko lang sila Mommy at makita kung gaano sila ka-okay minsan muntik na rin akong nahuhuli nila Warren kaya todo ingat na ako ngayon.

Sa ngayon kasama ko si Ate Sandy para icheck ulit sila Mommy kung okay lang sila. Gaya pa rin ng dati nagtatago kami lagi sa puno para hindi nila kami mapansin pero palagi kaming nasa kotse para sigurado na hindi nila alam na kami yon.

"Samantha kailangan na nating bumalik sa Warehouse." sabi ni Ate Sandy sa akin habang nasa sasakyan kami.

"Ate pwede bang kahit isang oras pa hindi ko pa kasi nakikita na lumalabas sila Mommy at Daddy." sagot ko naman.

"Pero kailangan na nating bumalik agad alam mo naman na sandali lang tayo dito tsaka diba mag-eensayo ka pa at yung susunod na stage na gagawin mo kung paano mo malulusutan ang mga trap na gagawin ng magkapatid, remember?" sabi naman nya.

"Okay Ate kahit 5 minutes nalang please, promise pagnakauwi na tayo babawi ako magoovertime ako." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Hay nako! Sige na nga! 5 minutes lang tapos uuwi na tayo." sabi naman nya.

"Oo Ate promise!" pangiti kong sabi.

Sa bawat pagtanaw ko sa bahay namin kahit isa lang kala Mommy, Daddy at Kuya Kyle ang gusto kong makita sa kanila masaya na ako na nakikita sila kahit malayo nasanay na rin siguro ako.

"Master S may isang sasakyan po ng Truck ang nakahinto malapit sa bahay nyo Samantha." sabi ni Malix. Bali tatlong lalaki at dalawang babae na which is kami ni Ate Sandy ang magkakasama ngayon.

Tinignan naman namin kung ano ang gagawin na baka pakana ng magkapatid yon. Napansin ko na may bumabang isang tao at hindi namin halos makita kung sino dahil nga sa natatakpan ito ng malaking truck. Hanggang sa umalis na yung truck at sa pag-alis nun nagulat ako ng makita ko si Kristel na nakatayo.

"Samantha kailangan nating kunin si Kristel kundi baka masira ang plano natin." sabi ni Ate Sandy. Hindi nalang ako naka-imik dahil sobra kong saya ng makita ko si Kristel.

Pagdating namin hinila at tinakpan ang bibig ni Kristel nila Malix para hindi sya makasigaw at makapasok sa sasakyan.

"Tulong! Tulungan nyoko! Ano ba bitawan nyo ko!" sigaw ni Kristel sa sasakyan habang umaandar na kami.

"Kristel! Kristel! Relax si Samantha 'to!" pagpapakalma ko sa kanya.

"Samantha!" sagot nya sabay yakap nya sa akin na patingin naman sya sa kanan nya at nakita si Ate Sandy.

"Sandy!" sabi nya pa.

"Akala ko hindi ko na kayo makikita!" dagdag nya.

"Ako din naman! Pero bakit ikaw lang nasaan sila Faith?" pagtataka kong tanong sa kanya. Napansin ko kasing bakit sya lang ang nandito at hindi nya kasama sila Faith iniisip ko tuloy baka isa 'to sa plano nila Natasha.

"Naiwan ko! Sinubukan kasi naming tumakas at ako lang yung nakatakas naiwan ko sila don kailangan natin silang iligtas agad dahil panigurado pagnalaman ni Natasha na nakawala ako sasaktan nya sila Faith." pagkukwento nya sa amin.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon