ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 40: ɴᴏ ᴍᴏʀᴇ sᴇᴄʀᴇᴛs

593 14 7
                                    

Samantha P. O. V

Pumunta na ako sa stage para masimulan na kung ano talaga ang pakay namin kung bakit naisipan namin magkaroon ng party.

"Pay attention please! Ayan, Good evening everyone! Nageenjoy ba kayong lahat dito?" pagsisimula ko. At nagsigawan naman sila at nag-ingay.

"So today I would like to thank you to all of you to coming here na sobrang napakahalaga sa aming anim lalo na sa ia-announce namin mamaya. Pero bago ko muna sabihin I would like to thank to my Ate, Ate Sandy! Dahil finally nakauwi na rin sya at hindi na ulit aalis, for my Mommy, Daddy and Kuya Kyle na laging sumusuporta sa akin at syempre sa mga kaibigan ko na laging nandito. Thank you." dagdag ko pa.

"Sam! Sandali itigil mo muna nawawala si Kristel." pagtatawag sa akin ni Cloe.

"Ha? Ano!? Teka sandali." sagot ko naman.

"Okay guys! Sorry for interruption babalik ako agad basta enjoy the party." sabi ko naman sa lahat bumaba na ako ng stage para hanapin na namin si Kristel dahil bigla raw itong nawala.

"Tinatawagan ko siya pero hindi nya sinasagot." sabi naman ni Lisa.

"Alam nyo kanina ko pa kasi nakikita si Kristel na tahimik at wala sa mood baka hindi pa talaga sya ready na sabihin lahat kay Yohan kaya pinili nya na umalis nalang." sabi naman ni Cloe.

"Ganito nalang hanapin nalang natin sya at kausapin kung gusto nyang sabihin in public go pero kung sila Yohan lang dapat ang makaalam odi go rin tayo, ano sa tingin nyo?" sagot ni Ate Sandy.

"Mas maganda yan Ate! Tara hanapin na natin si Kristel." sagot ko naman.

"Samantha saan kayo pupunta?" sigaw ni Ate Charice palabas na sana kami ng gate ng pigilan kami ni Ate Charice.

"Sa labas Ate hahanapin lang namin si Kristel nakita mo ba sya na lumabas kanina?" sagot ko.

"Oo ngayon-ngayon lang lumabas sya ewan ko nga kung saan pupunta bigla nalang umalis akala ko nga nagpaalam sa inyo." sagot naman ni Ate Charice.

"Okay sige Ate salamat kami na bahala." sagot ko. Naghiwa-hiwalay naman kami pare-parehas para mabilis naming mahanap si Kristel. Magkasama kami ni Lisa sa paghahanap habang sila Ate Sandy, Faith at Cloe ang magkakasama.

"Nasaan na kaya yon? Si Kristel talaga sobra tayong pinag-aalala maiintindihan naman natin sya kung ayaw nyang sabihin." sabi ni Lisa habang naglalakad kami at hinahanap si Kristel sa paligid.

"Alam nyo naman na malaki ang problema ni Kristel kaya intindihin nalang natin." sagot ko naman.

"Ano nagtext na ba sila Faith? Nahanap na ba nila si Kristel?" pag-iiba nya.

"Wala pang text sakin si Ate Sandy baka hindi pa nila mahanap." sagot ko naman.

"Saan ba sya nagpunta!?" sabi ni Lisa.

"Teka!" paghihinto ko kay Lisa sa paglalakad.

"Bakit? Si Kristel ba." sabi naman ni Lisa.

"Si Ethan tumatawag! Ano sasabihin ko?" sagot ko.

"Sagutin mo sabihin mo na rin sa kanila na hinahanap natin si Kristel para tulungan nila tayo sa paghahanap para na rin mas mapadali yung paghahanap natin sa kanya." sagot ni Lisa.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon