ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 17: sᴛɪʟʟ ᴍɪssɪɴɢ

856 21 3
                                    

Lisa P. O. V

Pauwi na ako sa bahay ngayon nagkahiwalay na rin kami ni Samantha kasi diretso sya sa school habang ako naman diretso sa bahay. Papunta muna ako ngayon sa favorite "Coffee shop" para umorder doon ng coffee pasalubong na rin kay Mommy dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos kagabi na aalis ako para samahan si Sam pero sinabi ko lang nung nandon na ako sa bahay ni Sam.

Pumasok na ako sa loob para umorder mabuti nalang hindi mahaba ang pila at marami ang bakante na upuan umorder na ako at naghanap ng mauupuan tumapat ako sa glass kung saan nakikita yung kotse ko na nakaparking. Nakita ko naman sa harap ko yung limang lalaki tinitignan nila ako pero pag-nakatingin ako sa kanila umiiwas sila agad, hindi ko nalang pinansin dahil baka nagagandahan lang sila sakin.

Maya-maya pa dumating na yung inorder ko tsaka na ako nagbayad at umalis. Nagdadrive na ako ngayon sa kabilang way kung saan madalang lang ang may sasakyan na dumadaan pa-shortcut pauwi sa amin. Hindi ko naman alam na sarado ngayon yon at ginagawa ang daan kaya bumalik ako paliko na sana ako ng may bigla humarang sa dadaanan ko na isang van. Binabaan ko sila sa sobra kong inis dahil ayaw rin nilang umalis.

"Hoy! Anong problema mo ha? Hindi mo ba nakikita na liliko ako!" pagalit na sabi ko don sa driver hindi ko naman sya makita don loob kung sino kung lalaki ba o babae.

Maya-maya bumukas ang pintuan ng van laking gulat ko ng makita ko yung mga lalaking nakita ko kanina sa "Coffee Shop" nakatingin lang sila ng masama sa akin. Kaya hindi ko sila inurungan.

"Kayo na naman! Hindi nyo ba ako nakita na liliko ha!" pagtataas ko ng boses sa kanila.

Tinignan lang nila ako at unti-unti na silang lumapit sa akin ako naman napaatras at tumakbo na papunta sa kotse nakaramdam ako ng takot dahil sa weird ang kinikilos ng mga lalaki Naabutan ako ng isang lalaki na kasama nila hinarang yung pintuan ng kotse ko.

"Umalis ka nga dyan! Sino ba kayo? Ano kailangan nyo sakin?" tanong ko sa kanila.

"Wala kaming kailangan sayo pero yung Master namin may kailangan sayo! Sige kuhanin nyo na sya!" sagot ng isa nila kasama na mukhang lider nila dahil inuutusan nya yung mga kasama nya na sapilitan ako kunin.

"Teka! Bitawan nyoko! Ano bang ginawa nyo?" sigaw ko sa kanila habang nanlalaban ako.

"I said let me go!" sagot ko habang pilit kong kumakalas sa kanila. Hindi sila nakikinig sa akin at pilit nila akong sinasakay sa Van. Nang mapasok nila ako sa loob sa Van hinahampas ko lang sila habang yung iba nila kasama ginamit yung kotse ko para kunin din.

"Sinabi ng manahimik ka!" sabi ng lalaki sabay na sinuntok nya ako sa tyan na kinahina ko naman.

"Samantha tulong!" mahina kong sagot.

"Bigyan mo nga yan ng pampatulog baka mag-ingay na naman!" utos nung lalaki. Nakita ko naman na inilabas ng isang lalaki yung panyo nya tsaka nya nilagay sa ilong ko nakaramdam naman ako ng pagkahilo. Pero pilit ko pa rin tinatanggal ang panyo na pinapaamoy sakin.

Nagising nalang ako ng nakatali at puro dugo tinignan ko yung paligid na nasa isang malaki akong building. Nakita ko sarili ko sa salamin na may puro dugo tinignan ko kung galing ba sa akin yun pero mukhang hindi naman dahil wala akong nararadaman na masakit.

"Wag kang mag-alala hindi mo yan dugo kundi dugo ng taong napatay ko na." sabi ng isang boses babae. Hinahanap ko kung saan nanggagaling pero hindi ko sya makita.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon