Samantha P. O. V
Pagkatapos naming kumain nila Mommy gaya pa rin ng ginagawa ko dati diretso ako labas para mag-jogging at mapag-pawisan mabuti nalang sumama sa akin si Ate Sandy na mag-jogging dahil may mahalaga rin akong gustong sabihin sa kanya. Habang naglalakad kami nagsimula muna ako sa ibang topic baka kasi mabigla din sya sa sasabihin ko.
"Ahm~ Ate Sandy yung sinabi mo ba sakin dati na kapag naging maayos na ang lahat di kana aalis, di muna na kami iiwan totoo na ba yon?" sabi ko sa kanya.
"Ano kaba Sammie! Oo naman basta pag-promise sayo ng Ate kailangan tuparin ko baka kasi magtampo ka na naman." pabirong sabi ni Ate Sandy sakin.
"Ate naman! Ayoko lang talaga na mawala ka pa ulit at iwan mo kami." seryoso kong sabi sa kanya.
"Alam mo Sam hinding-hindi na mangyayari yon, hinding-hindi na tayo magkakahiwalay." sabi ni Ate Sandy habang nakaakbay sya sakin.
"Promise mo yan Ate ha!? Wala ng bawian." sagot ko napangiti lang sya at tumango sa akin.
"Sya nga pala Ate Sandy mamaya magkikita kami ni Warren sasabihin ko na ang lahat-lahat sa kanya na wala na akong tinatagong siktero pero gusto ko din sana na sabihin na natin sa lahat bago kami bumalik nila Faith sa pag-aaral." pag-iiba ko ng topic.
"Naisip ko din yan nung una dahil gusto ko na rin kausapin si Samuel about dito sa lahat ng mga nangyari ewan ko mukhang tinamaan ako sa kanya hindi ako madaling bumigay pero pagdating sa kanya iba talaga." sagot ni Ate Sandy.
"Totoo ba yang narinig ko Ate Sandy? Gusto mo si Samuel?" tanong ko sa kanya nagulat kasi ako na may gusto sya kay Samuel. Tumango lang sya at ngumiti.
"Oh my GODDDDD!!!" sigaw ko na kinagulat naman nya bigla nyang tinakpan yung bibig ko sa sobra kong ingay kasi naman sino ba naman hindi kikiligin sa sinabi nya diba.
"Sorry Ate hindi ko lang mapigilan pero paano mo sya kakausapin e kahit nitong nakaraang araw hindi ka pa rin nya kinakausap o nilalapitan." sabi ko naman sa kanya.
"Ewan ko! Bahala na. Kung may pagkakataon na makausap sya swerte nalang ako don pero baka kabahan ako bago ko pa yon masabi ang lahat." sagot naman ni Ate Sandy.
"Kaya mo yan ikaw pa ba! Aha! Alam ko na may ideya na ko. What about magkaroon ng party sa bahay I mean pa-welcome party o kaya sa pagbabalik mo dito. Tapos doon tayo kumuha ng opportunity para masabi natin lahat kasama na sila Faith, ano sa tingin mo?" sabi ko sa kanya.
"Wag na! Baka masayang lang." sabi naman nya.
"Walang sayang don! Hindi naman masama siguro kung magkakaroon ng party don sa bahay para masabi natin yung mga gusto nating sabihin." sagot ko.
"Wala na kayong dapat alalahanin ako na bahala sa lahat ang gagawin nyo lang magready nila Faith." dagdag ko sabay ngiti ko.
"Osige na nga! Ano pa ba magagwa ko, wala naman." sagot ni Ate Sandy.
Nang matapos na kaming mag-jogging ni Ate Sandy sa labas pati na rin yung mga dapat naming pag-usapan nagready na rin ako para sa pagkikita namin ni Warren. Nagmessage ako sa kanya na pwede ko ba syang makausap ang sabi naman nya "Ok" hindi naman ako pwedeng mainis dahil baka mas lalong hindi nya ako kausapin. Alam ko kaya ganyan sya baka gusto ng lambing charr alam ko naman kung bakit e.

BINABASA MO ANG
Dream High Academy Book 1 (Completed)
FanficOne Goal! One Dream! iyan ang sigaw ng mga nakakarami~ sigaw ng bawat estudyante ng DREAM HIGH ACADEMY na may iisang pangarap~ pero paano kung ang mga pangarap na iyon ay sisirain lang ng isang pagkakamali at magbabago sa buhay ng bawat isa. Pagkaka...