ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 22: ᴍʏsᴛᴇʀɪᴏᴜs ɢɪʀʟ

823 42 5
                                    

Oh Se Hun as Samuel "Sese" Alcantara

And this is Samuel Alcantara o mas kilalang "Fun Guy"! Tinawag syang "Fun Guy" dahil babaero at mapaglaro sa mga babae, masayang kasama ito may Sense of humor, funny pero paminsan-minsan seryoso din, makulit, suki ng gym, sporty, anak sya ng CEO s...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


And this is Samuel Alcantara o mas kilalang "Fun Guy"! Tinawag syang "Fun Guy" dahil babaero at mapaglaro sa mga babae, masayang kasama ito may Sense of humor, funny pero paminsan-minsan seryoso din, makulit, suki ng gym, sporty, anak sya ng CEO sa company ng Alcantara Super Star Entertainment o mas kilalang "ASS Entertainment" sa Korea marami ang gustong magtrabaho sa company nila dahil maraming nga ang sumisikat na tao katulad nga ni Troy pero hindi ito alam ni Samuel at ang hindi rin alam nya na kasosyo ng Daddy ni Samantha ang Daddy ni Samuel, matinik rin sa babae si Samuel maraming nagiging girlfriend, marami syang pinapaikot na mga babae dahil nga sa pagiging gwapo nito at idagdag pa ang 6 packs abs nito, mahilig sa car racing at motorcycle.

Samantha P. O. V

Ilang araw na ang nakakalipas pagkatapos ng insidente pati na rin ang pag-alis ni Troy dito nakapag-paalam naman sya ng maayos sakin pero mamimiss ko pa rin ang best friend ko at syempre hindi ko rin makakalimutan ng gabing pinigilan ako ni Warren na tumalon sa rooftop pero kung hindi dahil sa kanya siguro patay na ako wala kasi ako sa katinuan nun tsaka gusto ko na rin syang iwasan dahil baka mapahamak pa sya ng dahil sa akin.

Sa ngayon magkakasama kami nila Faith na nagbabantay kay Lisa hindi na muna kami pumapasok pero nagpaalam kami sa mga teacher's namin mabuti nalang pumayag sila kaya ang ginagawa nila Ethan para makahabol kami binibigyan nila kami ng mga Lectures.

"Girls! Si Lisa gising na!" sigaw ni Kristel.

Nasa living room kasi kami at kumakain pina-private namin ang kwarto ni Lisa para sa kaligtasan niya at namin para maging komportable rin sya ng marinig namin yon agad kaming pumunta sa loob.

"Lisa!" sabay-sabay na tawag namin nila Faith at Cloe.

Nang makita nya kaming apat na nakatayo don napangiti nalang sya.

"Akala ko hindi ko na kayo makikita." sabi ni Lisa sabay ngiti.

"Pwede ba yon! Syempre hindi mangyayari yon tsaka hindi ka pa pwedeng mamatay! Ang ganda-ganda mo tapos mamatay ka lang ng basta-basta!" pagbibiro ni Faith nagtawanan naman kaming lima sa sinabi nya.

"Ikaw talaga Faith ha! Namiss ka namin!" sagot ko naman nilapitan namin apat si Lisa at niyakap.

"Teka tatawagan ko lang sila Edward at ibabalita ko sa kanila 'to!" sabi pa ni Faith lumabas muna ito para kausapin si Edward sa phone. Makalipas ang ilang minuto bumalik na rin ito agad.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon