🅔︎Ⓟ︎🅘︎Ⓛ︎🅞︎Ⓖ︎🅤︎Ⓔ︎

827 18 10
                                    

To all my readers and followers
Thank you for supporting my story..





.Kaunting pasilip para sa susunod (BOOK 2).

Makalipas ang isang taon matapos ang mga nangyari noon magkakasama-sama pa rin kaming lahat. Oo, aaminin ko maraming nagbago sa buhay namin lahat. Si Faith ayun ilang buwan nalang ikakasal na sya kay Edward kaya puspusan na rin medyo malaki-laki na rin ang tiyan nya ang kaso nga lang sexy pa rin sya tignan kahit buntis. Sila Kristel at Yohan mabuti naman ang kalagayan nila puro sila travel pagkatapos namin grumaduate sa tingin ko nga nalibot na nila ang buong mundo.

Si Cloe naman pagkatapos makagraduate umuwi muna sya ng probinsya, basta alam nyo na yon sya lang naman ang magmamana ng resort nila at syempre kasama nya ang long time boyfriend nyang si Jacob pagkalipas kasi ng graduation namin sinagot na ni Cloe si Jacob kaya ayon si Jacob tuwang-tuwa at pinagyayabang pa sa aming lahat.

Si Ate Sandy naman mas lalo syang naging busy sa kompanya na ipapamana sa kanya ni Daddy at syempre ka-business partner na nya ang boyfriend nyang si Samuel. Hindi ko nga alam kung may time pa sila sa isa't-isa kung nagdadate ba sila kapag darating ang mahalagang okasyon sa kanilang dalawa.

Si Lisa ayon dalawang taon na hindi nakakauwi dito minsan nalang din namin syang makausap sa sobrang busy pero sa awa naman ng diyos nagkaroon na sya ng boyfriend naalala nyo ba yung kaibigan kong si Troy? Ayun ipinakilala kay Lisa si Thomas ka trabaho ni Troy at ayon ang nagkatuluyan natutuwa naman ako dahil sa wakas nagkaroon na rin ng boyfriend ang best friend ko. Naging busy sa career si Lisa, ewan ko ba kay Lisa bakit nya lang ngayon napamalas ang galing nya sa pagkanta at pagsasayaw. Pero okay lang atleast may isa pa kong kaibigan na sikat diba.

At syempre ako pwede bang hindi mawala ako sa eksena! Sa ngayon masaya naman ako sa buhay ko at natupad na rin ang mga pangarap na matagal ko ng gawin sa buong buhay ko kundi maging isang professional writer at photographer o diba ang saya dahil parehas ko yon natupad hindi pa nga lang masyadong sikat, yung mga nagagawa kong mga story hindi pa masyadong pansinin ng mga tao pero ang mas nakakatuwa at talaga namang nag-trending yung isinulat ko ang naging buhay namin magkakaibigan maraming na-inspire at natuwa ng i-published ko yon kaya naman medyo sa lugar namin ay kilala nako.

Masaya rin ako sa kung ano ang meron ako ngayon dahil nandyan lagi ang mga mahal ko sa buhay lalo na si Warren sya kasi ang naging dahilan ko rin at naging parte ng mga pangarap ko kung hindi dahil din sa kanya siguro hindi rin ako magiging isang professional na writer at photographer. Nung last time nag-usap kami ni Warren gaya pa rin ng dati parehas kaming may pangarap para sa magiging future namin sakaling dumating man yon. Madalas kaming mag-usap through social media dahil busy rin sya sa paghahandle ng company nila kaya minsan ang nakakasama ko si Ethan kapag madalas na wala sya pero bumabawi naman agad si Warren kapag wala syang work lagi kaming lumalabas, nagdadate, at kumakain.

Kapag pare-parehas kaming busy lahat at sabay-sabay sa pagkabusy hindi na kami nakakapag-usap syempre sa lumipas na isang taon matapos ang graduation kailangan na humarap sa totoong hamon ng buhay, diba? At umaasa naman ako na magkakasama rin kami balang araw lalo na sa nalalapit na kasal nila Faith at Edward panigurado makakapunta ang lahat at makakauwi.



























Enjoy the reading story...
Sana di kayo magsawa love you all.

Dream High Academy Book 1 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon