JENNY POV
andito ako ngayon sa cafeteria break time kasi at mag isa kong kumakain dahil nasa practice ng volley ball si Camille ngayon ace player kasi sya ng volley ball kaya medyo busy ang status ng life nya.
actually patapos na kong kumain kunti lang naman kasing binili ko at wala si Camille na uubos ng tira ko if ever na meron.. matakaw ang babaeng yun pero sexy hindi sya masyadong tumataba.
nang maubos kong kinakain ko aalis na sana ko ng biglang dumating si Camille na nakajersy pa.
"Jenny" tawag nya sakin may dala syang nack.
"oh, kamustang Practice nyo.?" tanong ko sa kanya ng makaupo sya.
"ayun sisiw" sabi nya at kumagat sa burger na binili nya napatingin ako sa lamesa.
"kaya mong ubusin lahat yan?" tanong ko sa kanya at tinuro ko pa yung mga pinamili nya na dalawang burger yung isa kinakain nya na. spagetti , 12oz na mountaindew at at isang slice ng cake.!? grabe paano nya kaya pinagkakasya lahat ng yan sa tyan nya?😑😑
"oh, syempre ako pa, ang kulang pa nga sakin yan eh,"sabi nya pa saka uminom ng mountaindew.
tumingin ako sa paligid buti na lang walang paki ang mga tao dito. feeling ko kasi ako ang nahihiya para sa kanya, Mukha syang PG.
" kulang pa sayo yan? grabe saan mo ba nilalagay yang mga kinakain mo!?"sabi ko sa kanya.
" saan pa? di sa tyan, saka ano ka ba best hayaan mo na nga ako.. gutom ako hindi ako ng breakfast saamin..masyadong nagmamadali kuya ko kanina"
pinabayaan ko na lang syang kainin ang mga binili nya, lagi syang ganyan, sa itsura nya di mo mapagkakamalang matakaw sya.
" ah, oo nga pala may sasabihin ako sayo bhest" sabi nya habang punong puno yung bibig nya.
" na aalala mo pa ba si Weslie?" sabi nya.
"Weslie?" sino nga ba yun famillar ang name di ko maaalala.
" ay grabe sya oh, nakalimutan nya na, si Weslie yung matabang lalaking mukhang Lampaso yung Hairstyle nung elementary tayo." sabi nya with action pa na parang dinidescribe si Weslie.
"ah, oo yung batang tinulongan natin nun, yung binubully, tapos naging kaibigan natin, oh anong meron sa kanya?" sabi ko.
"gosh girl, mahirap paniwalaan takte kahapon nakita ko sya, kala ko nga kung sino nang gwapong sunod ng sunod sakin"
"Gwapo?" taas kilay kong tanong sa kanya.
"oo gwapo, alam mo ang laki ng ipinagbago nya..di ko ini expect na olala!! ganun sya kagwapo.. and actually nandito sya ngayon sa school natin"sabi nya ng walang preno at panay ang subo ng pagkain nya.
" oh!?"
"yes girl magugulat ka pag nagkita kayo.. kakatransfer nya lang kahapon dito. and you know sabi nya magkita kami ngayon dito gusto ka rin nyang makita."
base sa istorya nya mukhang un expected talaga yung nakita nya. I wonder kung ano na nga bang itsura ni Weslie ngayon.
"Cam!" napalingon ako ng may tumawag sa nickname ni Camille. and there I saw a handsome guy, with a cute dimple on his cheek, papalapit sya samin ngayon.
"speaking of the devil" biglang sabi ni Camille na may ngiti sa labi.
"hi weslie!"
weslie!? 😱 nanlaki yung mata ko, si Weslie!? si Weslie ang lalaking to?
"hi," bati nya ng makalapit sya sa amin. of course Im in a shock kaya hindi ako makapag salita. nakatitig lang ako sa kanya ngayon hanggang sa makaupo sya nakatingin lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
ROLLING LOVE
RomanceNakatira sa iisang bahay si Zack at Jenny. Matalik kasing mag kaibigan ang mga magulang nila kayat pamilya na ang turingan nila sa isat isa. At ng lumipad patungong ibang bansa ang mga magulang nila upang duon mag trabaho ay naisipan nilang pag sama...