DEAR READERS ( kung meron man)
sorry po if may makita kayong wrong grammars and typing erros, i-edit ko na lang, by the way please mag comment po kayo, para naman maimprove ko yung writing skills ko. para po sa inyong kaalaman. Akoy baguhan lamang. So thank you in Advance. ❤❤❤❤❤❤
JENNY POV
vacant time namin ngayon, and guess what ang gulo nitong si Camille parang nakakain ng sili.
" Oh Em! Oh em!! girl!! sino kaya yun?!" sabi nya.
kanina pa sya nagkakaganyan para syang baliw, parang sya yung nakatanggap ng letter.
kanina kasing umaga, nagpunta kami sa locker area para kunin yung damit namin sa P.E.
Then pagbukas ko nung locker ko may nakita akong Letter, hindi ko alam kung kanino galing pero may pirma dun na super gara. parang pirma ng doctor nung una inakala naming kay Weslie galing yung Letter pero nung makita namin sya at itinanung yung bagay na yun, sinabi nyang hindi daw sya ang may gawa ng bagay na yun. well hindi naman actually love letter yun hindi ko nga ma identify kung love Letter nga ba yun oh ano, parang qoutation lang naman ganun.
pero itong loka loka gindi maka get over, ang sarap pokpukin ng ulo para matigil
" ewan ko sayo Camille, pwede ba tumigil ka na, parang yun lang" sabi ko sa kanya.
"gosh! girl! hindi lang yun basta yun lang! hindi ka ba nagtataka kung sinong naglagay nun dun? hindi ka ba nacucurious or nae-excite man lang kung sinong mala prinsipe ang naglagay nun dun" sabi nya pa.
na kulang na lang mag hugis puso ang mga mata, grabe ang pantasya nya, baka mamaya nagkakamali lang sya. baka mamaya kung sinong mukhang taong grasa lng naman palang naglagay nun dun.
pero sa totoo lang nacucurious din naman ako sa taong naglagay nun dun. I cant imagine na sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng hand writing message from unknown person.
WESLIE POV
" weslie mauna na kami sunod ka na lang" sabi nung mga kasamahan ko.
" ah sige mga tol," sabi ko naman. kakatapos lang kasi ng swimming lesson namin at nandito ako ngayon sa mens c.r (changing room.)
tapos na kong magpalit ng damit ng may pumasok kaya napatingin ako dun.
its Zack, inilapag nya yung mga gamit nya sa lababo at nag hugas ng kamay nya. nakita ko yung finill-upan nyang biodata nakalagay kasi yun sa plastick envelop.
astig ng pirma, pang doktor..
nung una parang wala syang pake, pero nagitlan ako ng mag salita sya.
" hows that stupid girl doing?" sabi nya.
hindi ko agad narealize kung sino yung tinutukoy nya kaya tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.
" oh sorry I guess youre an idiot too.." sabi nya.
what!? problema ng isang to.?
" what do you mean?" tanong ko.
" ah dont mind me, " sabi nya saka nya kinuha yung mga gamit nya at tumalikod aalis na sana sya ng hawakan ko yung balikat nya para pigilan sya.
" bro, pansin ko lang every time na nagkikita tayo you keep on looking me with that fierce eyes of yours, do we have a problem?"
sabi ko.kahit hindi sya magsalita nararamdaman ko yun na parang ayaw nya sakin. pansin ko yun base sa nakikita ko sa kanya, hindi ko maintindihan kung anong problema nya sakin, kasi sa pagkakaalam ko wala naman akong atraso sa kanya.
BINABASA MO ANG
ROLLING LOVE
RomanceNakatira sa iisang bahay si Zack at Jenny. Matalik kasing mag kaibigan ang mga magulang nila kayat pamilya na ang turingan nila sa isat isa. At ng lumipad patungong ibang bansa ang mga magulang nila upang duon mag trabaho ay naisipan nilang pag sama...