CAMILLE POV"Dylan!! Dylan!! Dylan!!" paulit ulit kong tawag sa pangalan nya habang isinusugod namin sya sa ospital..
" miss dito na lang po kayo" sabi nung nurse ng umabot na kami sa emergency room.
" Camille" napalingon naman ako kay Jenny na kakadating lang nakapang tulog pa syang damit agad akong lumapit sa kanya at yumakap.
" anong nangyari?" tanong nya.
" Jenny, si Dylan" yun lang ang nasabi ko at saka ako umiyak ng umiyak habang nakayakap sa kanya hinagod nya naman ang likod ko.
" ssshhh, taha na alam kong magiging maayos sya, malakas sya" sabi nya sakin at naupo kami sa upoan malapit sa amin.
" Jenny, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangayring masama sa kanya" sabi ko.
" ano ka ba, wag mo ngang sabihin yan, maging matatag ka lang at magdasal, sigurado akong magiging maayos ang lahat magtiwala ka lang" sabi ni Jenny
tumango na lang ako sa kanya at tulad ng sinabi nya nagtiwala ako at nagdasal na sana maging maayos si Dylan.
" ano ba kasing nangyari?" tanong sakin ni Jenny at ikunuwento ko naman sa kanya mula sa simula hanggang sa dumating si Zack na may dalang tulong.
" buti na lang nung mga oras na yun ay dumating si Zack na may kasamang mga pulis kaya hindi na nakatakas ang mga gagong hayop na yun, mabulok sana sila sa kulongan kasama nung mga taong nagutos sa kanila na gawin yun" sabi ko habang maluha luha ang mga mata ko sa pag kukwento kay Jenny.
" excuse kayo po ba ang pamilya ni Mr, Dylan Montigue?" napatayo naman kami ng may isang doktor ang lumapit samin.
" hindi ho, pero mga kaibigan nya po kami, kamusta na po sya?" tanong ko sa doktor.
" dont worry maayos na sya, mild stab wound lang naman ang nakuha nya hindi ganun ka lalim he collapse because of blood lose, kaya kailangan nyang mapasahan ng dugo dahil marami ang nawala sa kanya, may alam ba kayong ka blood type nya?" sabi ng doktor.
akala ko ba mild lang bakit kailangan mag transplant ng dugo? nagbibiro ata tong doktor na to eh, sigurado ba silang doktor ang isang to?
" ah, dok ano po bang blood type nya" tanong naman ni Jenny.
" AB" Sabi ng doktor hidi ako pwede dahil O ako.
" hindi ako pwede A lang ako at si Camille ay O" sabi naman ni Jenny
" ako na lang" sabi ng kadadating lang na si Zack, eh? mag ka blood type sila?
" magkablood type kayo?" sabay naming tanong ni Jenny.
" yeah" tipid nya namang sagot pinasunod naman sya nung doktor sa isang laboratory.
kinontak na nga pala namin yung guardian ni Dylan at mabilis naman silang nakarating pinauwi naman muna kami nung mga nurse para makapag pahinga ayaw ko pa sanang umuwi kaso baka magalala naman sakin sila mama bawal pa namang na istress yun dahil sa sakit nya kaya nga hindi ko na lang ipapaalam sa kanya ang nangyari... inantay lang namin si Zack at saka kami umuwi.
kinaumagahan ay hindi ako pumasok dahil gusto kong puntahan si Dylan sa ospital sinabi ko Kay Jenny na sya na ang bahala pag may nag hanap sakin at ipina bibigay din ng guardian ni Dylan excuse letter nya sa mga instructor nya.
pag dating ko sa ospital ay nakasalubong ko yung auntie ni Dylan.
" good morning po" bati ko dun sa auntie nya.
" ay, good morning din iha, bibisita ka ba kay Dylan?" tanong nung auntie nya.
" ah, opo kamusta na ho sya?"
BINABASA MO ANG
ROLLING LOVE
RomanceNakatira sa iisang bahay si Zack at Jenny. Matalik kasing mag kaibigan ang mga magulang nila kayat pamilya na ang turingan nila sa isat isa. At ng lumipad patungong ibang bansa ang mga magulang nila upang duon mag trabaho ay naisipan nilang pag sama...