27

29 2 0
                                    

Nagbabalik ang tambalang Camille at Dylan!

CAMILLE POV

nandito ako ngayon sa mall dahil nag groceery kasi ako pauwi na nga ako actually eh,l kaso hindi pa ako makauwi dahil umuulan ng malakas at parang walang balak na tumila tong ulan, may payong akong dala eh kaso ang dami kong binili pano ko bibitbitin to lahat ang hirap palang mamili ng ikaw lang.

" Camille" hinanap ko yung taong tumawag sa pangalan ko, saan ba yung taong yun.

" dito sa taas" tumingala naman ako dahil nasa taas daw sya at nakita ko si Dylan na umiinom ng Redbucks aba sosy to ah, at teka ayos ng porma ah. kumaway sya sakin at kumaway din ako sa kanya, may dalawa syang kasama.

" wait me there" sabi nya saka sya umalis dun sa pwesto nya mukhang bababa sila.

hindi naman nagtagal at nakita ko na syang pababa na gamit ang escalator at nasa likod nya naman yung dalawa.

" hi" sabi nya ng makalapit sakin.

" hello" nahihiyang sabi ko.

" ikaw lang? ah oo nga pala mga friends ko tristan at Jacob"

"hi," sabi nung singkit.

" hello" sabi naman nung lalaking nakasuot ng geeky eye glasses. ngumiti lang ako at kumaway sa kanila.

" ang dami ng pinamili mo ah?" sabi nya.

" ah, hehe oo nga eh, wala na kasi kaming stock sa house, ikaw anong ginagwa mo dito?" tanong ko sa kanya.

" haha, wala sinasamahan ko lang mag girl hunting tong dalwa, napilitan nga lang akong sumama wala daw kasi silang display pag di ako sumama di sila mapapansin" sabi nya.
natawa naman ako sa sinabi nya so sya pala ang assets ng dalwang to.

" ulol, kahit naman di ka namin kasama makakakuha kami ng girl" sabi nung Jacob.

" haha talaga? kaya pala lagi nyong nakukuha in bitween ng babae at bakulaw bwahaha" sabi ni Dylan, pinag pupukpok naman sya nung dalawa nakitawa na lang din ako.

" pagpasensyahan mo na to miss mahangin din minsan tong lokong to" sabi nung lalaking nakasalamin.

" haha, okey lang sanay naman ako sa kanya" sabi ko na lang.

"haha, teka nagmeryenda ka na ba?" tanong naman ni Dylan. oo nga pala di pa ko nagmemeryenda, medyo kumakalam na rin yung sikmura ko dahil bigla nyang pinaalala.

" ah, hindi pa eh, kayo?" tanong ko din.

" uminom lang kami ng redbucks kuripot kasi tong si Dylan." sabi naman ni Jacob.

" oo nga, pantulak lang ibinigay"sang ayon naman ni Tristan.

" oi pasalamat nga kayo nilibre ko kayo, kayo nga dyan kahit kelan di nyo pa ko nailebre, nung birthday ko nga nakikain lang kayo. " sabi naman ni Dylan. ang iingay nilang naguusap ganito ba talaga ang mga lalaki kapag nagbibiruan? haha nakakatuwa sila.

" oh, isang libo, bili nyo kami ng foods" sabi ni Dylan.

" waw mats money!! kayo lang wala kami?" tanong ni Jacob.

" sige na bumili na din kayo kung anong gusto nyo" sabi nya

" ikaw Ms. Camille anong gusto mo?" tanong nung Jacob.

" ah kahit ano na lang" sabi ko.
nagtinginan naman yung dalawa na parang nagtatanong sa isat isa.

" tol, may pagkain bang ganun ang pangalan?" tanong ni Jacob.

"ewan, ngayon ko lang narinig yun" natawa na lang ako, boblocks din ang dalawang to.

" oy mga shonga kahit anong pagkain daw okey sa kanya.. ang tatanga nyo, dali na bago pa magbago ang isip ko." sabi ni Dylan. at ayun agad namang nag hanap ng makakain yung dalawa napansin ko namang binuhat ni Dylan yung mga pinamili ko.

ROLLING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon