ZACK POV" bro di ka pa tapos?" tanong sakin ni Dylan.
" you go first, just need to finish this." sabi ko.
" oh sige mauna na ko ah, bilisan mo lang mukhang uulan." sabi nya at saka lumabas ng room.
mabilis ko rin namang natapos yung ginagawa ko at nagmadaling inayos yung mga gamit.
napatingin ako sa wrist watch ko mag asisix na pala, ano na kayang ginagawa ng idiot na yun, nakauwi na kaya yun?
7:25 akong nakarating ng bahay nagtaka ko kung bakit naka off parin yung mga ilaw.
"idiot" tawag ko sa kanya mula dito sa baba.
narinig kong may kumalabog sa taas.
" so nandito na pala ang babaeng yun di man lang binuksan tong mga ilaw" sabi ko na lang sa sarili ko.
nagpalit muna ko ng damit at saka ako lumabas ulit para mag luto ng dinner ako ang naka assign mag luto ng dinner ngayon.
so nag luto na lang ako ng chicken minudo, sigurado mopaparami nanaman ang kain ng babaeng yun dahil dito, paborito kasi ni idiot to.
matapos akong mag luto inihanda ko na yung pagkain saka ako tumaas para alokin syang kumain.
hindi naman ako ganun kasama para hindi ko sya tawaging kumain.
" idiot, labas na kakain na" sabi ko at kinatok ko pa yung pinto nya.
pero walang sumasagot, kaya kinatok ko ulit sya.
" idiot, kakain na" pero wala parin. for the last time kinatok ko ulit yung pinto nya nababadtrip na ko pag hindi pa sya lumabas gigibain ko na tong pinto ng kwarto nya.
" idiot, sabi ko kakain na ano ba wala ka bang balak lumabas dyan, pag di ka pa lumabas sisirain ko na tong pinto mo!" sabi ko.
pero wala parin akong nakuhang response hindi rin nagbukas yung pinto nya, problema ng isang to?
" di naman kaya may sakit to?" tanong ko sa sarili ko, baka nga meron kasi kung wala edi dapat nakabukas na yung ilaw kanina pagdating ko.
binuksan ko yung kwarto nya gamit yung master key ko pero pag bukas ko wala naman sya sa loob nakita ko yung phone nyang nakapatong sa lamesa malapit sa kama nya.
" idiot?" tawag ko sa kanya baka kasi nasa loob lang sya ng banyo nya. pero ang tagal ko na sa loob hindi parin sya lumalabas kay tinignan ko na rin.
" thats it, wala nga sya dito"
saan kaya nagpunta ang idiot na yun, iniwan pa phone dito.
bumaba na lang ako at kumain mag isa siguro babalik din naman yun maya maya.
pero habang kumakain ako narealize ko na sobrang tahimik pala pag wala si idiot dito.
nang matapos na kong kumain hinugasan ko na yung pinagkainan ko, pagkatapos ay naupo sa sala at nanuod ng balita.
" isang babae ang natagpuang patay sa gilid ng lumang pabrika sa Batangas City, ayon sa mga awtoridad panghoholdap umano ang habol ng susupek subalit nanlaban ang biktima kung kayat umabot sa karumaldumal na pagpatay ang nangyari sa biktima "
agad akong napatayo ng makita ko ang balita, hindi ko na halos maintindihan kung anong sinasabi sa balita dahil sa mga bagay na pumapasok sa isip ko.
" shit!" agad kong kinuha yung payong at walag ano anong binaktas ko ang daan para hanapin ang idiot na yun sa gitna ng malakas na ulan.
pinuntahan ko ang mga lugar na pwede nyang puntahan sa mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
ROLLING LOVE
RomanceNakatira sa iisang bahay si Zack at Jenny. Matalik kasing mag kaibigan ang mga magulang nila kayat pamilya na ang turingan nila sa isat isa. At ng lumipad patungong ibang bansa ang mga magulang nila upang duon mag trabaho ay naisipan nilang pag sama...