CAMILLE POV
yes! yes! may pov ako.. halu! 😄 kamusta mga readers okay pa ba kayo dyan?
oh right please wag kayong mabored sa pov ko just calm and love me haha jowk.
any way pangatlong araw na nga pala ng school fest at bukas last day na, papunta ko ngayon sa cafeteria para bumili ng maiinom kanina pa kasi ako nauuhaw, mag isa nga pala ko ngayon dahil masyadong busy si Jen dun sa mga Costumer mabenta kasi sya haha ang gwapo nya kasi kaya maraming may gustong sya ang magserve.
paliko na ko sa hallway ng biglang.
"uwah"
"ouch!"
napahawak ako sa kawawa kong ilong ng tumama sa isang bagay.
"Camille" si Dylan, nadalawahan na ko ng isang to.
" ano ba nakakadalawa ka na Dylan ha, ang sakit ng ilong ko sa--ooy ano ba!?"
bigla nya akong ipinasok sa isang room saka tinakpan yung bibig ko.
"hoy ano ba!?" Natikman ko na palad nya, pambihira ang alat! Kita na kasing nag sasalita yung tao eh.
"ssshhh!! wag kang maingay huhulihin nila tayo." sabi nya.
eh? huhulihin? at bakit naman kami huhulihin.
" huhulihin? at bakit? sino bang nanghuhuli?" tanong ko.
" nanghuhuli yung Jail booth ng lalaki at babaeng nakaitim" sabi nya.
oh really?
" alam ko may nag punta sa way na to check nyo yung mga room." sabi nung tao sa labas.
bigla nya kong hinila sa loob ng malaking cabinet kung saan inilalagay yung mga tambo, at mga pang linis sa itaas mga pantanggal sapot, sa lahat ba naman ng pag tatagoan dito pa at take note sobrang close namin sa isat isa, dikit na dikit kami.
"ano ba umusog ka naman naiipit ako"
"ssshh, wag kang maingay nandyan pa sila sa labas, saka wala nang uusogan, oh?"
naamoy ko yung hininga nya infairnes ang bango ng hininga nya ha, amoy V-fresh lol.
" pre mukha may tao dito parang may nag uusap sa loob"
nagsign sya na wag maingay kaya itinikom kong bibig ko.
saka ko lang narealize ang kalagayan namin para akong nakayakap sa kanya at grabe ha, ang bango nya, inamoy ko pa sya ng inamoy nakakaadict kasi yung pabango nya, anong pabango kaya to."hey, anong ginagawa mo?" bigla nyang naitanong para naman akong nabuhosan ng tubig ng marealize ko kung anong ginagawa ko.
"mukhang inienjoy mong pag amoy mo sakin" sabi nya kaya napaangat ako ng tingin pero isang pagkakamaling ginawa ko yun.
napahawak ako sa bibig ko, halata ring gulat sya dahil, dilat na dilat ang mata nya.
sa realization na yun bigla ko syang itinulak palabas buti na lang wala na yung mga nanghuhuli.
JENNY POV
papunta akong cr, para sana mag ayos at magpalit ng damit dahil tapos na yung duty ko.
papasok na sana ko ng biglang may nag lagay ng posas sa mga kamay ko.
"oh, hoy ano to?" sabi ko.
"pasensya na ate, arestado ka nakasuot ka ng itim tara sa Jail Booth."
at saka nila ko pinalibutan na parang inaresto talaga ko. pambihira naman oh pag minamalas ka nga naman.
pag dating namin sa Jail booth nagulat ako kasi ang mahal ng piansa 150 grabe naman. takte hindi ko pa naman dala yung wallet ko pero kahit dala ko yun magpapakulong na lang ako kesa ng ganyan kamahal no.
BINABASA MO ANG
ROLLING LOVE
RomanceNakatira sa iisang bahay si Zack at Jenny. Matalik kasing mag kaibigan ang mga magulang nila kayat pamilya na ang turingan nila sa isat isa. At ng lumipad patungong ibang bansa ang mga magulang nila upang duon mag trabaho ay naisipan nilang pag sama...