37

27 2 0
                                    

DLAN'S POV

papunta na sana kong school ng may mahagip ang mga mata ko sa kabilang side ng kalsada..

may grupo ng mga lalaki dun na parang may pinagtitripan silang isang babae and sa tingin ko sila din yung na encounter ko dati nung kasama ko si Camille.

hindi ko na lang sana papansinin kaso mukhang nakakaawa na yung babae, mukhang sya yung tipo ng babaeng madalas binubully kaya wala na kong nagawa kundi ang tulongan yung babae.

" haha, wala ka bang kasama saamin ka na lang sumama, sasaya ka pa"

" oo nga, binigyan ka namin ng regalong di mo makakalimutan"

sabi ko na nga ba at sila nga yung mga lalaking naencounter ko na dati, ang mamanyak talaga ng mga to.

" no, thanks, padaanin nyo nga ako" sabi nung babae at akmang aalis na ng hilain nung lalaki yung nakabraide na buhok nung babae.

" aray bitawan mo ko" pagpupumiglas nung babae at nagtawanan naman yung mga ungas hindi ko talaga gawain ang makealam pero kapag talagang kailangan ay nakikialam talaga ko.

"mga chong, di ganyan ang tamang trato sa babae" sabi ko at napatingin naman silang lahat sakin.

" tangna!! ikaw nanaman?" sabi nung lalaki na sa pagkakatanda ko sya yung kinuhanan ko ng cellphone na ayun pa sa kanya aya mamahalin daw.

" ooh,, grabe mukhang love tayong pagtagpuin ni Destiny, at oy bago nanaman ang trip nyo ah"

" pare kung ayaw mong masaktan wag kang nakekealam" sabi nung lalaking kinuhanan ko ng cp.

" huh, sorry but i cant help it, i cant let you do some perverted stuff like this to a girl" sabi ko.

" wag mo nga kaming ini english!! tarantado ka ah nananadya ka ba"

" ah sorry gusto nyo itranslate ko?" sabi ko pa at mukhang hindi na nakapagpigil yung lalaki at kwinelyohan ako.

" gusto mo talagang masaktan no, sino ka ba?" tanong pa nung lalaki.

" ang pinakagwapo sa balat ng lupa, Dylan Lee R. Montigue at oo nga pala, pwede bang ilayo mo yang bibig mo, amoy embornal eh" sabi ko at akmang susuntokin nya na sana ko ng may dumating na mga nagrorondang pulis.

" tol, tara na may mga parak!!" sabi nung isang kasamahan nya binitawan nya naman ako at nagsitakbuhan na sila.

" May araw ka din!!" sabi nung lalaki bago sila tuloyang makaalis

" miss, okey ka lang?" tanong ko dun sa babae na parang na starstruck sakin gwapo ko kasi.

" a, o-opo kuya salamat po" sabi nung babae.

" sige, walang ano man, pumasok ka na sa school mo baka malate ka pa" sabi ko at saka ako ngumiti sa kanya nagpaalama na man na sya at pumasok na rin ako sa school maaga pa naman kasi nine pa ang pasok ko.

CAMILLE POV

"walang hiyang Dylan lee na yun, namumuro na sakin ang lalaking yun" sabi ng isang lalaki sa likod ko nakasakay kasi ako ngayon sa tren at dahil wala nang maupoan ay tumayo na lang ako.

at dahil medyo malapit sila sakin ay rinig ko kung anong pinaguusapan nila at parang narinig ko ang pangalan ni Dylan.. di ko lang sure kung sya ba yung tinutokoy nila.

" oo nga pare kala mo kung sino, ang sarap basagin ng mukha"

" eh kung paresbakan kaya natin yung gagong montigue na yun"

nanlaki naman ako ng marinig ko yung apilyedong binanggit nila kaya napalingon ako ng bahagya..at saka ko lang naalala yung mga pag mumukha nila sila yung nambastos sakin one time nung umuulan.

ROLLING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon