35

30 2 0
                                    


JENNY POV

maaga akong nagising kinabukasan para maghanda ito na kasi yung araw na pinag usapan namin ni Weslie ngayong araw ang itinakdang date namin.. sa totoo lang parang nahihirapan akong gumalaw kasi parang wala akong ganang lumabas ng bahay lalo na ngayong ang bigat bigat ng nararamdaman ko.. hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko hindi ko pa nga nareresolbahan ang problema ko kay Zack tapos makikipag date pa ko kay Weslie, eh feeling ko nangtotwo time ako eh.

maliligo na sana ko ng biglang mag ring yung phone ko kaya sinagot ko yun.

" hello?" sabi ko ng sagotin ko ang call.

" morning Jen, ano nang ginagawa mo? need mo ng help? ako na magpapaganda sayo?" sabi ni Camille sa kabilang linya.

" ito maliligo pa lang, wag kang mag alala no need na kaya ko na sarili ko, baka makaabala pa ko sayo" sabi ko.

" oy grabe ka naman di ah, oo nga pala siguraduhin mong makakapunta ka ha, tapos kwentohan mo ko sa monday kung anong nangyari, at saka oo nga pala dont forget the pasalubong hehehe" sabi nya.

" haha loka, oo sige di ko makakalimutan yun" sabi ko.

" oh, sige na ligo ka na baka nakaka isturbo ako bye bye" saka ini-end call yung call loka naman yun may gusto pa sana kong sabihin binabaan na ko.

bago ako naligo ay inihanda ko muna yung damit na susuotin ko sa totoo lang pinahiram lang to sakin ni Camille wala kasi akong sense sa pagpili ng damit kaya ito pinahiram nya ko.

mabilis akong naligo at nag ayos ng sarili ko hindi na ko masyadong naglagay ng borloloy dahil hindi naman ako masyadong mahilig mag lagay nun polbo lang okey na.

nakarecieve naman ako ng text galing kay Weslie na nagsasabing nagaantay na daw sya sa labas kaya napatingin ako sa bintana pero nagulat ako ng makita kong pinagbuksan at pinapasok sya ni Zack.

agad akong bumaba para sana salubungin si Weslie at pagbaba ko natigilan ako ng makasalubong ko si Zack at nasa likod nya si Weslie tumingin si Zack sakin mula ulo hanggang paa napayuko ako at napaiwas ng tingin ano kayang iniisip nya tungkol sa akin ngayon?

" enjoy your date" malamig na sabi nya saka ay dinaan ako napatingin pa ko sa kanya habang paakyat sya ng hagdan.

" Jenny" lumingon ako kay Weslie na hindi na tumuloy sa bahay.

" ha, sorry, good morning nga pala!" bati ko sa kanya na may ngiti sa mga labi.

" ang ganda mo ngayon,, bagay sayo ang damit" puri nya sakin medyo nahiya naman ako sa papuri nya naka baby blue dress kasi ako hanggang tuhod at nakasuot din ako ng half maong na ka level lang ng dibdib.

" thank you" sabi ko.

" tara" sabi nya, mga bandang nine na kami nakaalis ng bahay at sobrang saya ko sa lugar na pinagdalhan nya sa akin sa amusementpark, sa totoo lang ngayon pa lang din ako nakapunta dito masyado kasing expensive, kaya para akong batang manghang mangha sa mga nakikita ko ang ganda ganda dito pa lang sa labas pano pa kaya sa loob.

" teka, dito ka muna magbabayad lang ako ng entrance" sabi ni Weslie, tumango lang naman ako sa kanya at nag picture picture sa lugar.

WESLIE POV

mukhang nagustohan ni Jenny itong lugar na pinagdalhan ko sa kanya para syang bata tuwang tuwa sya, pinagmamasdan ko lang sya habang nakapila ko dito sa bilihan ng tickets.

" kuya ikaw na po" napatingin naman ako dun sa babaeng kasunod ko, hindi ko namalayang ako na pala ang sunod napatingin naman ako dun sa nakadikit na print out sa dingding.

ROLLING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon